Chapter 30

0 0 0
                                    

"Pakinggan mo naman ang paliwanag ko anak" agaran nyang sabi ng marinig ang tanong ko.

"Sige. Ano naman ang maipapaliwanag mo dun pa?" umupo na muna ako dahil gusto ko rin marinig ang kwento ni papa

"Ano kasi anak..." hindi nya masabi sabi sakin kung ano ang dahilan o kung ano man ang kwento sa panig nya.

"Kailan kayo nagkaroon ng relasyon?" ako na ang nagtanong kay papa dahil hindi naman nya magawang magkwento ng sya lang.

"Matagal na anak"

"Kailan po talaga?" gusto kong malaman kung kailan nga ba naging sila

"Kasisimula pa lang nung ma ano ka, nung ma r-rape ka" napahinto ako nang marinig ko kung kailan. Isang taon na ang nakalipas mula non at sa isang taon na yon ay wala akong magawa dahil takot na takot pa ako sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. Dumaan ako sa maraming proseso para lang mabalik ako sa tamang wisyo at para na rin hindi na ako ganun ka takot sa mga tao.

Napalingon naman ako agad kay papa ng may maalala ako. "Nung mga panahon na iyon ay hindi ka nagpakita sakin. Nasan ka sa panahon na iyon? Siguro naman hindi ka pumunta dahil sa natatakot ka na matakot ako sayo kaya ano ang rason mo kung bakit hindi ka nagpakita sakin?" kasi naalala ko ngayon na sa panahon na nangangailangan ako ng tulong at gabay sa kanila ay hindi sya nagpakita. Sa lahat ng lalaking nakakaalam ay si papa lang ang hindi dumating at parang alam ko na kung bakit.

"S-sa panahon na iyon? H-hindi ako nagpakita sa inyong lahat" hindi sya nagpakita? Kahit kay mama man lang upang tanungin ako kung kamusta ako?

"Nalaman kasi ng mama mo na may babae ako nun kaya nagkaaway kami at dahil dun ay hindi na muna ako nagpakita hanggang sa maging okay ka" ganun ganun na lang yun? Hinahanap ko sya sa mga panahong iyon tapos ngayon ay malalaman ko lang na hindi sya nagpakita dahil sa babae nya?

"Hindi ka nagpakita dahil sa nagkaaway kayo ni mama at nalaman nya ang tungkol sa babae mo? Pa naman! Ako ba naisip mo nung magkaaway kayo? Kung kamusta na ako? Kung okay lang ba ako o kahit ano? Hinahanap kita sa mga panahon na yun pa. Kita mo namang na trauma ako dahil dun at kailangan ko kayo pero binalewala ko yun dahil akala ko hindi ka lang dumalaw dahil baka natatakot kang matakot rin ako sayo pero ito pala ang totoong rason kung bakit hindi ko man lang kayo nakita noon." bumuhos na ang luha ko dahil naalala ko naman ang mga nangyari sa panahon ngayon tapos dumagdag pa ang nalaman ko mula ka papa.

"Anong nangyayari rito?" bungad ni mama ng makababa siya. Siguro ay narinig nya ang pagsigaw ko kay papa kanina, hindi ko lang kasi napigilan eh.

"Mauna na po ako" sabi ko at umalis kaagad, lumayo muna ako ng konti sa bahay at pinahinto ulit ang sasakyan para ibuhos lahat ng luha ko. Alam ko namang hindi tama ang magmaneho habang umiiyak.

Ano ba naman kasing araw na ito? Aalis na sila mama sa makalawa dahil kay papa, nasiguro kong may babae nga si papa tapos aalis pala si mama dahil kay papa tapos yung dahilan kung bakit hindi bumibisita si papa ay dahil sa babae nya. Ilang ulit na ba ako kailangang masaktan ng ganito?

Noong nakaraang araw ay anraming nangyari, tapos ngayon naman ay ganon rin tapos sa makalawa ay meron rin dahil aalis na sila mama at kailangan ko pang kausapin si Bradford para masiguro kong okay lang ang pag-alis nila mama. Kakayanin ko pa kaya?

'Kakayanin ko to! Konting pahinga lang tapos magiging okay rin ako.' pagkasabi ko nun ay pinaandar ko na ang sasakyan pauwi sa bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay agad kong pinark ang sasakyan at pumasok sa bahay

"Amy anong nangyari? Bakit ang pula ng mata mo?" oo nga pala at halos lahat sila ay nandito sa bahay.

"Wala lang to" ayaw ko munang magkwento sa kanila, gusto ko na munang magpahinga mula sa mundong ito, nakakapagod na kasi eh.

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon