Chapter 36

1 0 0
                                    

"Ate" kuha ni Kevin sa atensyon ko. Nakita siguro nyang lumulutang na ang isip ko.

"Oh bakit naman?"

"Paano kung hwag nyo na lang po hanapin sila mama at papa?" ano? Bakit naman kaya? Akala ko ba gusto nyang mahanap ang mga magulang nya?

"Bakit naman?" anong nagpabago sa isip nya?

"Bata pa lang po ako pero kita na po namin ang mga bagay na hindi dapat makita ng mga bata ate, lalo na ako kaya alam ko kung bakit hindi nyo po ako binibigay sa mga magulang ko" anong ibig nyang sabihin? "alam ko naman pong nahanap nyo na ang mga magulang ko" paano?

"Saan mo nalaman?" baka naman kasi may nagsabi sa kanya. O di kaya ay sinabihan sya sa mga tao para bumalik si Kevin sa mga magulang nya.

"Narinig ko po sa mga pag-uusap nyo ni sister. Kung ano naman po kasi ang desisyon nyo ay hindi naman po ako tututol dun dahil noong nakilala po kita ay ate na talaga ang turing ko sa inyo ni ate Ella at sa mga kuya ko. Si sister naman ay parang mama ko na rin kaya alam ko pong para sa ikakabuti ko ang magiging desisyon nyo." sa mga nagdaang araw ay alam na nga nya? Hindi nya man lang sinabi sakin? O kahit sa mga prinsipe o si Kian at Ella? Bakit?

"Wala ka man lang sinabihan?"

"Ayoko nang makadagdag sa mga problema nyo ate eh, lalo na kay kuya Bradford." alam nya rin pala na may problema kami tungkol kay Bradford pero hindi nya lang sinasabi.

"Bakit hindi mo naman sinabi sakin at hindi ka umangal nung malaman mong alam na namin kung saan ang mga magulang mo?" yun rin ang tanong ko. Noon pa man ay hinahanap na namin ang mga magulang nya dahil gusto nyang mahanap sila tapos ngayon ay ayaw na nya.

"Narinig ko rin po kasi na kasama sila sa gang at frat at may nakikita naman akong mga tao na kasali sa gang at frat sa labas"

"Pano mo naman nalaman na kasama sila sa mga gang at frat?" pareho lang naman lahat ng mga tao maliban na lang sa kung sabihin nilang kasali sa mga gang at frat na yan.

"Tinuruan na ako nila kuya kung paano hulaan kung sakali mang may makasalubong ako, para raw hindi ako makahanap ng away sa kanila, mahirap na raw po" sino naman kaya ang nagsabi sa kanya?

"Sino naman na kuya?"

"Si kuya Reggie at kuya Aziel, sila rin po ang nagsabi sakin ng mga marka nila at sabihan ko lang raw sila kung may makita man o may makaaway man ako" tama nga ang hinala ko. Sila lang naman ang may koneksyon sa mga dun sa mga prinsipe at si Kian.

"Mabuti na rin yun" pagkasabi ko nun ay may tumawag nga sakin.

Lumabas na muna ako sa kwarto tsaka tinanggap ang tawag. "Hello?"

"Hello Lia?"

"Ella? Oo ako nga, bakit?" ano kayang sadya nya at tumawag sya sakin ngayon?

"May natanggap akong tawag kay sister"

"Anong sabi?" hindi naman kasi tatawag si sister kung walang sadya o ano

"Pumunta doon ang mga magulang ni Kevin sa bahay ampunan." ano namang sadya nila dun? At bakit kusang pumunta sila roon?

"Bakit naman? May sinabi ba kung bakit?" hindi naman siguro tungkol kay Kevin ito ano?

"Gusto ka nyang makita dahil nalaman nilang ikaw na ang palaging dumadalaw at nagbabantay kay Kevin. Gusto ka nyang papuntahin sa bahay ampunan ngayon, upang kausapin tungkol kay Kevin." ano namang sadya nya kay Kevin?

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon