"Ate Kila." pagkuha ko ng atensyon nya.
"Oh Amelia." sabi nya at tinignan rin ang mga tao sa likod "Nandito na pala kayo" ngumiti lang naman ang iba sa kanya "Pasensya na talaga kayo ha, busy lang kasi ako ngayon dahil sa ganitong araw ay ako lang ang bukas na tindahan rito sa amin kaya marami rami ang mamimili. Ipasok nyo na muna ang mga bata sa loob." sabi nya habang inaabala pa rin nya ang mga mamimili na rumarami na rin. Kaya nauna na nga akong pumasok at sumunod naman si Kian.
"Lia tulungan na lang namin si ate doon at para hindi na rin sya maabala pa ng sobra." sabi ni Rogue at tumango lang naman ako.
"Ako rin Amy" tatakbo na sana sya ng tawagin sya ni Kian kaya napatingin rin ako kay Kian
"Teka lang Ella. Umupo ka nga muna rito" at iminuwestra ang upuan sa kabilang upuan na bakante
"Anong namamagitan sa inyo ni Rogue?" pagkatanong nya ay pareho naman kaming nagulat ni Ella ngunit natanong ko na rin yan sa sarili ko eh. Nakakagulat lang talaga dahil biglaan kasi yung pagtatanong nya ngayon.
"B-bakit mo naman natanong yan? At dito pa talaga sa bahay nila ate Kila" sabi ni Ella nang makabalik sya sa pagkabigla nya
"Bakit bawal ba magtanong? Nagtatanong lang naman ah, diba Amy?" napatingin naman ako sa kanya pagkasabi nya nun at napatingin rin naman ako kay Ella nung tanungin ako ni Kian.
"Sagutin mo na lang ang tanong nya" sabi ko at hindi na umimik pa
"Kahit tanungin mo pa sya, walang namamagitan samin" sabi nya at umalis na para tulungan si ate Kila kasama si Rogue. Napatingin naman ako kay Kian na nakatingin lang rin pala sakin kaya hindi ko sya kinibo.
"Ano? Wala namang mali sa sinabi ko ah" sabi nya ng binigyan ko sya ng kakaibang tingin
Hindi na ako kumibo pagkatapos nun at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bata na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Siguro hindi pa nila alam na nakauwi na pala sila, kanina pa.
Makailang minuto na pag-aabala ko sa sarili ko sa mga bata ay narinig ko na nga ang boses ni ate Kila sa loob ng bahay nya at nang tignan ko ay tama nga ako, nasa may kusina sya at may ginagawa habang ang dalawa naman ay nandito na rin at inuusisa na ulit ng tingin ni Kian kaya siniko ko sya "Tama na yan" bulong ko para hindi marinig ni ate Kila
"Oh ito na ang maiinom nyo" pagdating ni ate Kila dala ang isang tray na may laman na mga juice na siguradong hinanda nya kanina ng makita ko sya sa kusina, tsaka umupo. "Pasensya na kayo at natagalan akong asikasuhin kayo ha?"
"Ok lang naman po kami rito ate, nakakatuwa nga na marami ang namimili sa tindahan nyo" sabi ko habang nakangiti habang inaalala ang nakita ko kanina
"At nagpapasalamat ako sayo Amelia, kung hindi dahil sayo ay baka wala akong pagkikitaan ngayon, wala akong pera pagpapalaki sa mga bata ngayon" kita ko naman sa mata nya ang sinseridad nya at malaki talaga ang pagpapasalamat nya samin, sakin.
Ngumiti lang naman ako kay ate Kila ng tumunog ang phone ko. Nag-excuse muna ako sa kanila bago ko sinagot ang tawag "Ma, bakit ka tumawag?"
"Aahh, gusto ko lang ipasabi sa iyo na nagpaplano kami ni Emily na pumunta sa North America pero hindi pa naman ngayon, pinapaalam ko lang sa iyo ng maaga"
"Bakit naman kayo pupunta dun ma? Alam mo naman ang sitwasyon natin diba?" nakakagulat lang kasi na gusto nilang pumunta sa North America kahit na sa sitwasyon namin ngayon.
"Gusto ko lang naman kasi na makahinga muna sandali tsaka hindi naman kami magtatagal dun eh, magpapalipas lang kami ng ilang araw doon"
"Alam ko naman kasi yun kasi yun rin ang sinabi nina tita Analenne kaso ang nangyari? Nawala pa sila, at hindi ko na hahayaang may mawala pa sa pamilya natin at sa iba pa kaya mas makakabuti kung dito na lang muna kayo"
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...