Chapter 24

1 0 0
                                    

"Kevin, magsabi ka ng totoo. Anong alam mo sa problema ni ate?" pagkompronta ko sa kanya

"Hindi ko naman po talaga alam pero ang alam ko lang po ay galit ka po kay kuya Bradford, diba isa po sya sa noon sa mga kasama nyo kapag pumupunta kayo rito? Sa mga huling araw ng pagbisita nyo sa amin kasi ay parang magka-away kayo tapos kung pupunta sya ay hindi naman kayo sabay at madalas na nagsasagutan kayo kaya noon pa man ay may hula na po ako. Yun ba ang dahilan kung bakit mo kami tinuruan kung paano depensahan ang sarili diba? Para kung saktan nya man kami ay alam namin ang gagawin namin?" namangha naman ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa napagtanto ko ngayon magkausap kami.

Alam ko naman kasing madali syang matuto, masunurin, maalaga at mabait pero hindi ko inaasahan na magiging ganito sya ka mapagmasid sa paligid nya at ganito sya ka talino para malaman ang kahulugan mula sa mga aksyon namin.

"Wag kang mag-alala ate, wala naman akong ibang pinagsabihan eh, kanina ko nga lang nasabi ang tungkol dun at isa pa dahil ako lang ang nakakaalam ay makakaasa ka ate na hindi ko ha hayaan na may masaktan sya kahit isa sa amin at pati na rin sa inyo. Sayang naman ang pagtuturo nyo samin kung hindi namin gagamitin diba?" napangiti naman ako pero may napagtanto ako kaya agad na nawala ang ngiti sa labi ko

"Pero hindi ibig sabihin na tinuruan namin kayo ng ganyang bagay eh gagamitin nyo na sa lahat ng bagay. Intindihin nyo na tinuruan namin kayo sa pagdedepensa sa sarili hindi dahil gusto namin kayong maging mayabang kundi para sa kaligtasan nyo, naiintindihan ba?" pagsabi ko sa kanya dahil baka maging mayabang na sila nyan dahil marunong na silang depensahan ang sarili sa ganyang edad pa lamang.

"Alam ko naman yun ate." sabi nya kaya nagyakapan na muna kami bago bumalik sa kanila ng may marinig kami sa kung saan. nanggaling pala ang tunog na yun sa gate kaya hinintay namin kung ano ang ingay na iyon ng makita namin sila Bradford na kakapasok.

Naalerto naman agad ako at tinignan si Kevin na nakatingin lang rin sa kanila. "Kevin, takbo ka na. Punta ka kung saan sila kuya Kian mo." tumango si Kevin bago sya tumakbo kaso naabutan sya ng kasamahan ni Bradford na dumaan sa kabila at nahuli si Kevin na ngayon ay natataranta na.

"Kevin wag na wag kang gagalaw dyan dahil baka anong gawin nila sayo" baka kasi gumalaw sya eh may dala namang armas ang mga ito. Mabuti naman at tumahan na nga si Kevin at hindi naglulumikot pa pero halata naman sa mukha ang takot at pangamba. Kahit naman kasi marunong sila sa mga bagay na hindi naaangkop sa kanilang edad ay natural na matatakot pa rin sila dahil bata lang naman sila eh.

"Anong ginagagawa nyo rito?" tanong ko ng balingan ko sila matapos kong kausap in si Kevin.

"Hindi nyo ba alam? Akala ko alam nyo na" pagbibiro nya samin, lalo na sakin.

"Ano man ang pinunta nyo rito ay wala na akong pake don. Ang akin lang ay tantanan mo na kami lalo na ngayon dahil may mga bata" pagbabala ko sa kanya kaso parang ayaw nyang makinig.

"At bakit ko naman gagawin yun? Nandito na kami kaya wala ka nang magagawa pa. Isa pa gusto rin naman ako ng mga batang ito ah at gusto ko rin naman sila kaya bawal bang bumisita sa kanila?" alam ko naman hindi sila ang pinunta nila kundi ang para ipakita na natutuwa sila sa nagawa nila. Yun naman ang palagi nilang gawain kapag nagtatagumpay sila sa mga pinaplano nila.

Aasta na sanang pupunta si Bradford sa mga bata ng awatin ko sya at tinignan lang naman nya ako

"Ayaw mo akong papuntahin sa kanila? Edi hwag." sabi nya pero ang mukha nya ay parang may binabalak "Mga bata hindi nyo ba ako namiss?" paunang salita ni Bradford. Sabi ko na nga ba at may plano itong si Bradford. "Kung sino ang nakakamiss sakin ay puntahan nyo naman ako, may regalo ako para sa inyo" sabi nya at naalerto naman ako dun at alam ko namang sila rin.

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon