"Sige pero magluluto na muna ako ha? Para naman may makakain na sila kung makapunta na sila rito" sabi ko kahit hindi nakatingin sa kanya at hindi ko na inalam ang sagot nya kasi naging abala na ako sa kusina
Ilang minuto palang nung nagsisimula akong magluto ay narinig ko nang sinabi ni Ella ay susunduin nya na ang mga kaklase nya at umalis na
Nang matapos na ako sa pagluluto ko ay sya ring pagbaba ni Kian.
"Kian, gutom ka ba? May niluluto akong makakain natin, kain ka na" inaya ko syang kumain at nang tumango sya ay pinaghandaan ko na rin sya at ang sarili ko para makakain na kami
"Nasan pala si Ella?" nang tanungin nya ako kung asan si Ella ay agad namang dumating si Ella kasama ang mga kaklase nya at kasama na ron si Rogue.
"Lia? Killian? Anong ginagawa nyo rito?" wala pa palang nakakaalam tungkol sa bahay ito, sa bahay naming tatlo maliban sa pamilya namin at sa mga prinsipe
"Bahay namin to" agarang sabi ko at hindi na nag abalang magpaliwanag pa. "Gutom ba kayo? Kain muna kayo bago nyo simulan ang ginagawa nyo" panghihikayat ko sa kanilang sabayan kaming kumain ni Kian
"Bahay nyo? Bahay nyo ni Killian? Eh sabi ni Ella pupunta kami sa bahay nya" at hindi nya talaga naintindihan ang sinabi ko
"Ang sabi ko bahay namin. Bahay ko, bahay ni Kian at bahay ni Ella" ito lang ang paliwanag ko na ibinigay sa kanya at pinaghandaan na sila kasi umupo na rin ang ibang kasamahan nya
"Kakain ka ba o hindi?" buti naman at nagsalita na si Kian ngayon kasi tapos na rin syang kumain kasi ilang minuto rin ang nagdaan ng mag-usap kami at dumating sila
Niligpit na ni Kian ang mga pinagkainan nya at hinagkan ako sa ulo at hinagkan rin naman nya si Ella na kumakain at sinabing nandon lang raw sya sa kwarto nya mananatili
"Ano ba kasi ang mayroon sa inyong tatlo at na sa iisang bahay kayo? At bakit hinagkan kayong dalawa ni Killian?" at talagang kuryuso ang Rogue na ito ngayon aahh
"Hindi ba ang pinunta mo rito ay ang paggawa ng proyekto nyo?" pagtatanong ko sa kanya ng kung ano ang ginagawa nya rito. "At wag kang umalis pagkatapos ng ginagawa nyong proyekto. Ngayon pupunta ang mga prinisipe" nginitian ko muna sya bago umalis
Narinig ko rin naman na tumawa si Ella sa sinabi ko. Alam nya kasi ang dahilan eh.
Nagpunta naman ako sa library ng bahay na ito. Meron kasi akong inilagay na library dito noong gusto kong mapag-aralan ang lahat ng pwede kong magamit upang maipagtanggol ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay
Namili muna ako ng pwede kong babasahin habang nagpapalipas ng oras. Ayaw ko naman basahin ang libro tungkol sa mga batas batas na yan kasi nabasa ko na yon kagabi.
Baka ang babasahin ko muna ngayon ay yung sa martial arts. Baka rin kasi mamaya ay maganahan akong mag ensayo muna
Nagbasa lang ako ng nagbasa ng ilang oras ng tumunog ang phone ko at nag-uusap sila kung sino na raw ang nandoon sa usapan nila na maghihintay sakin
"Amy? Hindi ka pa ba titigil dyan? Diba pupunta pa ang mga kaibigan mo rito?" agarang tanong nya ng makapasok sya sa library ng bahay na ito
"Titigil na nga ako kasi nagsimula nang mag-ingay ang gc namin, nagsasabi kung sino na ang nandoon." sabi ko at niligpit na ang binabasa kong libro
"At para sabihin ko sayo Amy, ako na ang nagluto para naman makapagpahinga ka" ang maalaga talaga ng taong ito
"Yun naman pala eh. Ano na ang gagawin ko ngayon?" yun lang naman ang dahilan kung bakit ako tumigil sa pagbabasa, kasi magluluto na sana ako
BINABASA MO ANG
My Life's Tragedy
Teen FictionSi Amelia Rose Marquez ay isang dalagitang may marami nang nalalaman sa buhay tulad ng pagmemedicina, kaalaman sa martial arts at close combat, ang paggamit ng mga baril at ang kaalaman ukol sa mga batas. Ano-ano nga ba ang mga problema nya na nag...