Chapter 11

1 0 0
                                    

"Wala ka pa talagang plano tungkol dyan? Kung tama man ang hinala mo?" wala pa talaga akong maayos na plano sa ngayon pero may mga naiisip naman na ako tungkol dyan

"Wala pang maayos na plano pero alam ko na ang gagawin ko, okay naman na siguro iyon diba?" sana nga may maisip na akong plano para matapos na agad ito "May isesend ako sa iyo pero wag mong ipapakita sa iba. Isend ko lang ito sa iyo para marami akong mapagkukunan ng copy" sabi ko at tinapos na ang tawag

Pumunta na ako sa kwarto ko at binuksan agad ang laptop ko at binuksan ang folder kung saan doon nakalagay lahat ng mga ebidensya ko laban kay Bradford

Isinend ko agad ito sakanya at sinabing hwag nya ipapakita sa iba dahil confidential ito

Maliban nang isinend ko sa kanya at ang file ko sa laptop ko ay meron rin ako sa usb ko at may isinend rin ako sa sarili ko para sigurado talaga

Habang may kinakalikot ako sa laptop ko ay may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko ito "Hello?"

"Lia ako ito. Totoo ba lahat ng sinend mo sakin?" naalala ko pala na kahit isa sa kanila ay wala pa akong pinagsabihan o pinakita na kahit isa kaya ayun nagulat sya ngayon

"Oo, pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi sayo ha? Hindi ko man alam kung si Bradford nga ba talaga ang may pakana nito pero paki alerto naman sa account ko, alam mo naman account ko diba? Baka lang kasi may sabihin si Bradford sakin pero wag mong ipagsasabi o wag mong sabihin na ikaw ang gumagamit ng account ko o alam mo ang account ko ha?" hindi naman kasi pwede ang phone sa campus kaya nga bumili na lang ako ng relo na pwede naming kunan ng komunikasyon kahit wala kaming phone "Tsaka may relo naman tayo, sabihan mo na lang ako sa phone kung may sinabi sya"

"No problem Lia, tsaka isa pa magkaibigan na kaya tayo simula nang mabuo ang prinsipe dahil ang iniisip mo lang ay ang kapakanan namin at upang hindi na kami magkaroon ng mga kaaway" mabuti naman kung ganoon at naiintindihan nila ako.

"Salamat naman at naiintindihan mo ang bagay na iyan at salamat na rin sa mga bagay na naitulong mo ha" naibsan naman ng konti ang dinadala ko ngayon dahil sa kanya

"Sige na Lia matulog ka na at may alalahanin ka pa pero wag ka nang mag-alala dyan" sana nga at makatulog ako ngayon

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Nagising na ako ng maaga ngayon dahil kailangan pa naming maghanda para sa pagpasok

Same routine as always kung magkasama kami pero ngayon ay nagdagdag lang ang gawain ko na magdala ng panibagong damit, nakita ko kasi kagabi na ang damit na meron ako ay hindi pwede kung makikipagsapalaran sa laban dahil mga kikay kasi ang mga gamit ko at kahit na naka pe naman kami ngayon ay maluwag pa rin ang pe ko at pwedeng pwedeng hablutin ni Bradford

Bago ako naligo ay sinubukan kong tawagan si mama kung matatawagan ko na ba pero hanggang ngayon ay hindi pa rin eh. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa rito

Nang matapos na kami ay umalis na nga kami gamit ang sasakyan ni Kian at dinala ko na rin ang regalo ko kay Rogue at pati na rin ang hinanda kong damit kanina

Pagkatapos non ay nagpunta agad kami ni Ella sa auditorium kasi dun raw magaganap ang recollection at ang ka partner namin ay ang klase nila Ella at mamayang hapon naman ay ang klase nila Shine at Angela

Nag-antay lang kami ng oras dun ng pumasok si Rogue kasama ang mga barkada nya at lalapit na sana sya sakin ng itinapon ko sa mukha nya ang paper bag na binili ko kagabi para sa kanya

"Pasalamat ka at nasalo ko ito, ano ba ito?" tanong nya pero binuksan rin naman ang paper bag "Wow damit at kasya talaga sakin ha? Pano mo nalaman nag size ko Lia? Nangstalk ka sakin ano?"

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon