Chapter 34

1 0 0
                                    

Hindi nagtagal ay dumating naman ang iba pa kaya umalis na agad kami para makapunta sa campus, nininerbyos nga ako rito dahil wala akong maisip kung hindi man pumayag sila ma'am

Nang makapasok kami ay iniwan ko na muna si Kevin sa campus, hindi kasi pinapayagan ang mga bata eh, kaya ipapaalam ko muna kay ma'am at kung papayag man ay ihahabilin ko na lang si Kevin kay kuya guard

Nakakausap naman kasi namin si kuya guard, hindi naman sya ganun ka strikto, hanggat hindi ka gumagawa ng pahamak ay magiging mabait naman si kuya guard sayo.

"Kuya guard pwede ko namang iwan muna si Kevin rito diba?" tanong ko habang pinupwesto si Kevin sa guardhouse.

"Diba isa to sa mga batang kasali sa feeding noong nakaraang araw?" tumango lang naman ako at nag scan na rin ng i.d.

"Oo, pakibantay na lang kuya guard, babalik rin ako kaagad" sabi ko at umalis na nga. Pumunta muna ako sa room para ilagay yung bag ko pagkatapos ay hinanap na si ma'am, may flag ceremony pa naman eh.

"Oh Amelia nandito ka na pala, halika sumali ka samin" pag-aya ng mga kaibigan ko pero umiling lang ako.

"Mamaya na may gagawin pa ako, mauna na ako sa baba" mabilisang sabi ko at bumaba na nga at pumunta sa faculty para makausap si ma'am, kung nakarating na nga ba sya.

"Who are you looking for?" bungad sakin ng isang guro.

Ganito kasi kami sa campus, masyadong marami ang nga guro namin at mahirap na kung tawagin namin kasi yung iba ay may maraming ginagawa kaya hindi ka talaga nila mapapansin kaya ganito na ang nagiging estilo sa faculty.

"Good morning sir, is ma'am already here?"

"Ma'am who?"

"Ma'am Jacky, is she already here?" napatingin naman si sir sa faculty kaya napatingin rin naman ako.

"I haven't seen her this morning yet, maybe she haven't arrive yet." hintayin ko na lang siguro si ma'am rito.

"Thanks sir" sabi ko at umalis na nga para puntahan si Kevin.

"Kuya guard hindi mo pa ba nakita si ma'am Jacky?" baka kasi hindi lang nakita ni sir dahil naunang dumating si ma'am at hindi pa bumabalik sa faculty, si guard naman ay malalaman nya agad dahil dito naman talaga dadaan ang mga guro at estudyante.

"Hindi pa dumarating eh." tumango lang naman ako at lumapit kay Kevin.

"Kevin makinig ka muna kay ate" pagkasabi ko nun ay tumango naman sya at hininto ang ginawa nya.

"Ano yun ate?"

"Hindi pa dumarating si ma'am kaya hindi ka pa pwedeng makapunta kahit saan sa campus, pwede namang dito ka na lang muna kasama si kuya guard diba?" kita naman sa mata nya ang pagkadismaya sa narinig nya sakin.

"Bakit po? Hindi po ba pumayag sila ma'am?" malungkot nyang sabi sa maliit na boses pero narinig ko naman dahil magkatabi lang naman kami.

"Hindi naman sa ganun, hindi pa kasi dumadating si ma'am kaya wala akong pwedeng mapagtanungan kung pwede ka ba rito, pero pansamantala ay dito ka na lang muna ha? Samahan mo si kuya guard para may kasama naman sya" paglalakas loob ko sakanya na kahit na dito lang sya mananatili sa guardhouse ay may magagawa pa rin syang iba maliban sa mga dinala nyang gamit.

"Sige po ate, magpapakabait po ako" ngumisi naman ako dahil dun. Mabuti naman dahil mahihirapan talaga ako nito.

"Kuya guard, dito na muna sya ha? Malapit na kasi ang flag ceremony at hindi pa dumadating si ma'am, tatanungin ko na lang siguro sya pagkatapos"

My Life's Tragedy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon