Shanna marie pov
Days has been past may communication na kami ni lexus dahil lagi na kong nasa bahay nila at dun na sya natawag hindi pa rin kasi nag babago ang desisyon kong bumili ng cellphone.
Kauuwi ko lang galing sa school ay dito na ko dumiretcho masyadong demanding si lexus at kailangan pag uwi ko ay naka update agad ako sa kanya sarap nya lang sipain.
"Naka uwi na po master." Inis kong sabi sa kanya.
"Good, kumain ka na?" Tanong nya.
"Nakakainis ka! Kakauwi ko lang at dito ako dumiretcho tapos itatanong mo sakin yan seryoso ka?!" Inis kong tanong.
He just laugh sarap talaga tadyakan!
"Sige! Tumawa ka lang! Mahulog ka sana ulit!" Inis kong sabi lalo naman syang tumawa aba't tuwang tuwa ang loko.
"May mens ka ba?" He asked.
"Lalaki? Abno! Wala no!" Defensive kong sabi lalo naman syang tumawa lalo ano ba talaga trip nito?!
"That's a good joke, what i mean is menstration. Hindi lalaki." He clarify tumawa nanaman sya pag katapos halos pag mulahan ako ng muka ng itanong nya yun sa totoo lang oo meroon ako kaya nalayo saken ang mga kaklase ko dahil nasusungitan ko sila pero hindi ko naman sinasadya yun.
"Wala ka na dun!" Inis kong sabi.
"Okey take a chill pill okey? Pupunta na ko jan malapit na." He said calmly.
"Buti naman! Lagi na lang kasi dito ang bagsak ko hindi na ko nakakauwi ng bahay namin dahil lagi na lang akong andito sa bahay nyo." Mataray kong sabi nilalaban ko ang excitement.
Hihihi~ ay..
"Mas okey na anjan ka anjan lahat ng pangangailangan mo and besides hindi ka na mahihirapan pang umuwi sa bahay nyo." He said.
"Lagi naman yan ang sinasabi mo halos makabisado ko na nga lahat ng sentence mo e." Pananaray ko pa.
"Baby look, im just a little busy here at manila gusto kita isama pero ayaw mo tapos magagalit ka jan ano bang gusto mo?" Malumanay nyang sagot.
"Baby my ass, hindi ako nag re reklamo wag ka ngang feeling! At ano naman kung busy ka? Paki ko naman! Ayaw ko naman talaga dahil nag a aaral pa nga ako at masaya ako dito sa isla no." Mataray ko pa ring sabi.
"Okey gonna go, eat a lot okey? Baka nangangayayat ka na jan." Paalala nya.
"Hindi ako payat! Sexy ako! Baka ikaw ang nangangayayat tss sige na busy ka nga di ba?! Ingat! Babayooo~" mabilis kong sabi saka sya pinatayan ng tawag.
Humiga muna ako sa couch hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Next morning.
Nagising ako dahil sa click ng camera agad akong nag mulat and i saw lexus taking pictures of me sisigawan ko na sana kaya lang naalala ko hindi pa pala ako nag to toothbrush eww..
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire
Teen FictionAre you gonna let yourself make a contract with a man?