Shanna marie pov
Its been two weeks ng umalis ulit si lexus hindi ko na alam kung babalik pa ba sya sa isla malungkot nanaman ako pero minsan ay nakakasanayan ko na rin hanggang ngayon pa din ay wala na kong balita na kay nanay gusto ko sana hanapin pero hindi ko talaga alam saan sya hahanapin tumawag ako sa bahay nila lexus sa maynila at nag tanong kung andun ba ang nanay ko ay wala daw.
Dahil hindi naman daw pumunta si nanay dun masakit dahil pinag sinungalingan ako ng sarili kong ina hindi lang yun inabandona nya na rin ako hindi ko na alam saan pa ko kukuha ng lakas at pam pa aral ko gustuhin ko mang tumigil ay hindi pwede ilang buwan na lang at makakapag tapos na ko ng college.
Sabado ngayon at walang pasok kasama ko mar sa dagat sya na lang ang lagi kong kasama tuwing sabado at linggo tumutulong na rin sya sa pag hahanap sa nanay ko kaya super thankful ako sa kanya at sa tatay nya.
"Ano bakla keri pa yan? Mas malalim na sa tubig dagat yang iniisip mo alam ko serena ako pero ang deep naman nyan baka di ko kayanin." Mar said saka naupo sa tabi ko.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko mar." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Dapat kasi tinanggap mo na lang yung offer ni lexus." Maarte nyang sabi saken.
"Hindi nga pwede eh, gagamitin ko yung tao para mabuhay ako ganun? Hindi ba para namang masukista ang peg ko nun?" Sabi ko saka pinag laruan ang kamay ko.
"Ano ka ba! Hindi ka man lang ba nako konsensya sa nangyari sa tao? His family helps you a lot bakla baka lang naman its better to give the favor naman diba?" Conyo na sabi ni mar nabatukan ko sya ng mahina dahil medyo kris aquino ang tono nya natawa pa ko.
"Maibabalik ko naman yun pero hindi sa ganung paraan naman mar." Malumanay kong sabi.
"Bakla listen okey? Kahit na ano pang sitwasyon kung kailangan ng tao ng tulong, tulungan mo! Ako nga diba? I help you kasi kailangan mo your mother needs you sige nga kapag wala pa ring nahanap ang tatay ko, at kailangan mo na ng malaking kapulisan dahil hindi dito mahanap ang nanay mo sige saan ka kukuha ng pera pam pahanap sa nanay mo? Sige nga?" Mataray na sabi ni mar napaisip naman ako bigla pero kahit na ganun mali pa rin.
"Mali pa rin kasi yun mar!" Reklamo ko napa buntong hininga si mar dahil sa stress nya saken.
"Okey, edi totohanin nyo! Ikaw bakla pa simple ka! Pero alam kong mahal mo na yung tao, hindi mo lang ma amin kasi kala mo may special someone na tapos ex naman pala ang pakakasalan hindi pa na mahal nung tao hindi ka ba naawa?" Pangongonsensya nya saken.
"Naawa syempre kaibigan ko yung tao at hindi ko sya mahal! Ang adik mo!" Sigaw ko sa kanya.
Tumawa naman sya. "Ay bakla ang sarap maging idenial promise!" Sabi nya sabay tawa.
"Bakla wag kang matakot sa mundong to lahat gagawin para sa pera hindi porket okey ka ngayon e hanggang ganyan ka na lang, hindi habang buhay ganyan ka lalo na at walang nakalinga sayo." Paalala ni mar.
Huminga ako ng malalim.
"Tingin mo ba magiging okey lang ako?" Natatakot kong tanong.
"Ay bakla! Mag trust ka lang kay papa lexus! Oh! Ano nanaman yang mata mo! Punyeta ka! Hindi mahal pero kung makapag selos ka naman sa tao wagas! Ni hinayaan mo ngang makasal sa iba!" Sermon ni mar ng tingnan ko sya ng masama tawagin ba daw bang 'papa' eh hindi naman nya tatay si lexus.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire
Teen FictionAre you gonna let yourself make a contract with a man?
