Chapter 9

226 8 11
                                    

Shanna marie pov

Ilang araw na ang lumipas ng makuha ni lexus ang first kiss ko pero hindi pa rin ako maka move on gosh! First kiss ko yun! Nakuha lang ng bakulaw na yun! Namumula pa rin ako kapag naalala ko yung punishment ko na daw kuno na yun.

Bakit?! Dahil lang tinawag ko syang KUYA! haist! Nakakainis talaga ang baliw na yun! Ngayon ay wala sya sa bahay nila dahil umalis sya dahil may aasikasuhin daw sya sa manila nag paalam pa saken kala mo naman may relasyon kami.

Nasa school ako ngayon for now ay tahimik pa ang buhay ko hindi pa naman ako ginagalaw ni gian, at si jun? Hindi ko pa rin sya nakikita gusto ko sanang mag apologize sa ginawa ni lexus sa kanya kaya lang wala pa sya.

"Ang lalim ng iniisip mo SM." Sabi ni mar saken.

"Wala may naalala lang." Sabi ko saka inasikaso ang gamit ko nahagip ng mata ko yung laptop naging rason nanaman to para awayin nanaman ako ni lexus dahil hindi talaga ako pumayag na bilhan nya ko ng cellphone.

"Bakla hindi ka ba nabibigatan sa laptop mong yan?" Tanong ni mar ng makita nya kung saan ako nakatingin.

"Hindi naman, sanay na rin naman kasi ako dito kaya wala lang to." Sagot ko saka pinasok ang laptop ko sa bag ko.

"Mag phone ka na lang kaya? Easy to handy pa, at isa pa matatawagan mo na ang nanay mo na nasa middle of no where to be found." Sarcastic na sabi ni mar.

"Wala akong pambili atsaka baka naman busy lang ang nanay kaya hindi sya natawag saken." Positibong sabi ko sa kanya muka namang hindi naniwala saken si mar hindi ko sya masisi ngayon lang kasi ginawa ng nanay saken to kahit naman noon na umaalis sya ay lagi naman syang natawag sa telepono na nasa bahay lang, nitong mga nag daan na araw lang ay hindi na sya nag paramdam pa saken.

Nahihiya naman akong mag tanong kay lexus ay mali ayaw ko rin pala talaga syang kausap o lapitan man lang naiilang ako sa kanya.

"Hayy.. Naku bakla ahh.. Ayaw ko naman sa pagiging nega hindi kaya iniwan ka na ng nanay mo? O! Wag mo mamasamain ang sinabi ko ah! Hula lang yun." Dere deretchong sabi ni mar napaupo ulit ako sa upuan ko at tulala.

Kahit ako ay yun na din ang iniisip ko pero alam kong hindi naman gagawin saken ng nanay yun mahal nya ko at alam nyang sya na lang ang meroon ako.

Umiling ako saka tumayo ulit, "Hindi naman siguro gagawin saken yan ni nanay baka busy lang talaga." Sagot ko kay mar tumango na lang sya saka ako niyakap.

"Tara na uwi na tayo?" Tanong nya tumango ako lumabas na kami ng room at nag lakad na palabas ng school.

"Ay? Wala si papa lexus?" Takang tanong ni mar ng hindi nya makita ang kotse ni lexus sa parking lot.

"Wala sya mar ilang araw na kaya ikaw talaga masyado kang nasasanay na nakikita yung tao hindi ka ba nag sasawa sa muka ni lex?" Takang tanong ko.

"Wow ahh.. May nickname ka na sa kanya ah! Iba yan! At hmm.. Yung mga ganung itchura hindi dapat pinag sasawaan alam mo ba yun? Bakla! Ang mga kagaya ni papa lexus mga in danger species yan lalo na dito sa lugar natin na bihira na lang ang mga gwapong single." Mar said with aksyon pa kaya natawa ako.

Humiwalay na saken si mar dahil sa iba ang sakayan nya ng tric, habang ako naman ay napili na lang mag lakad kaysa sa sumakay.

Girlfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon