Chapter 1

629 22 8
                                    

Shanna Marie Pov

Ako nga pala si Shanna Marie mejares isang college student sa kursong HRM or hotel resturant management im 18 years old at nakatira ako sa isa sa mga isla dito sa amin normal lang ang buhay ko kasama ang nanay ko na nag ta trabaho sa isang bahay na pinag kakatiwala sa kanya matagal na ang nanay ko dun bago pa man mamatay ang tatay ay andun na sya kaya malaki na ang tiwala ng may ari kay nanay.

Nag iisa lang akong anak pero kahit na ganun ay sinisiguro ko naman na hindi ako pabigat kay nanay ginagawa ko ang lahat para lang hindi maging pabigat sa kanya lalo na at nasa tamang edad na rin naman na ko at malapit na kong makapag tapos.

"Uy! Sm hindi ka ba talaga sasama samin? Masayang gumala sa mall." Yaya saken ng kaibigan ko si mar isang bakla na super close ko sa school friendly sya maldita lang sa mga kaklase naming hindi maganda ang ugali.

Ngumiti ako at umiling. "Hindi na mar kayo na lang may kailangan pa kasi akong tapusin atsaka ngayon daw ang dating ng amo nila nanay kailangan ko syang tulungan dahil kailangan malinis dun." Sagot ko habang nag aasikaso ako ng gamit ko para maka alis na ko at makauwi.

"Ganun ba? Ang sipag mo talaga kahit kailan alam mo ba yun? O sya sige ikaw ang bahala ingat ka ah!" Paalala nya ngumiti ako saka tumango.

"Ikaw ang mag ingat kayo ang gagala eh."

"Oo na! Pero mag iingat ka pa din alam mo naman tayong mga magaganda habulin ng mga lalaki naku! Sige Sm alis na ko." Sabi nya saka nakipag beso saken saka kumaway at umalis.

Lumabas na din ako ng room namin para mag lakad na palabas ng makita ko si jun na nag aantay sa labas ng room namin.

"Ikaw pala jun may hinihintay ka?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Oo Sm e." Nahihiya nyang sagot

"Sino? Si gian ba? Tatawagin ko? Wait la---" hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko ng putulin nya yun.

"Hindi, hindi sya ikaw ang pinunta ko dito gusto sana kitang makausap." Sagot nya habang nakamot sya ng batok nya.

"Ahh.. Ako ba? Sige ano bang pag uusapan natin? At pwede sana jun paki dalian may gagawin pa kasi ako sa bahay namin."

"Ay sige hindi naman ganun ka importante yung sasabihin ko sige mauna ka na muna umuwi maybe next time na lang tayo mag usap." Nang hihinayang na sabi nya saken.

"Sigurado ka jan? Muka kasing mahalaga yang sasabihin mo." Pag pipilit ko. Nakakahiya naman baka makalimutan ko na may pag ka makakalimutin pa man din ako.

"Hindi makakapag antay naman yun tara hatid na kita sa bahay nyo." Pag aalok nya.

"Sigurado ka? Wala ba kayong lakad ni gian? Baka hanapin ka nyan?"

"Wala atsaka nag sabi na ko na may practice ako ng basket ball kahit na wala naman talaga tara na hatid na kita hapon na oh naka maabutan ka pa ng gabi kapag hindi kita hinatid." Sabi nya saka kinuha ang bag ko na hindi naman kabigatan.

Nag simula na kaming mag lakad habang nag ku kuwentuhan kami ni jun magaan ang loob ko sa kanya isa syang matalik na kaibigan din gaya ni mar ang kaso lang ay hindi namin sya kaklase pero kahit ganun ay naging mag kaibigan kami lagi nya din akong pinag tatanggol sa pinsan nyang si gian.

Maldita kasi pero kahit na ganun ay gusto ko pa rin syang maging kaibigan gaya ni jun alam ko naman na may natitira pang kabaitan sa kanya natatakot lang syang mahusgahan dahil sa madaming insecure sa school namin.

Nasa tapat na kami ng bahay ng tumigil sya sa pag ku kuwento. "Andito na agad tayo sayang ang dami ko pa sanang ikukuwento sayo sm." Malungkot nyang sabi.

Pinalo ko sya ng marahan. "Okey lang yun may susunod na araw pa naman e atsaka nag kikita naman tayo sa school kaya okey lang yun." Pag aalo ko sa kanya.

"Hindi kasi kita malapitan kapag andun ka." Nahihiyang sabi nito.

"Bakit? Nahihiya ka o dahil sa pinsan mo?" Pag huhula ko.

"Ahh.. Parehas." Sagot nya.

"Eh? Bakit hindi naman masyadong marami ang kaibigan ko dun si mar lang ang kasama ko palagi baka ikaw ang madaming nakapaligid hindi ako masyado ka kayang sikat sa school."

"Hindi naman masyado hindi ko naman masyadong iniintindi ang pagiging sikat hindi naman yun madadala sa hukay kapag namatay ako." Down to earth nyang sabi.

"Maganda naman at narinig ko yan sayo, sige jun kailangan ko na talagang pumasok, sorry ahh hindi na kita naimbita sa bahay dito pa tayo nag kwentuhan. Yaan mo sa susunod papasukin na kita hindi lang sa ngayon kasi dadating ang may ari ng bahay."

"Okey lang yun SM wala saken yun ang mahalaga naka uwi kang ligtas." Nakangiti nyang sabi.

"Oo at salamat sayo sige na mauna ka na munang umalis titingnan na lang kita dito."

"Sige una na ko sm ah!" Pamamaalan nito saken.

"Oo sige salamat ulit."

Nag lakad na si jun at ng makalayo na sya ay saka naman ako nag lakad papasok sa bahay namin naabutan ko si nanay na nag aasikaso ng kakain namin.

"Nay bakit nandito ka pa ang akala ko ba dadating yung anak ng may ari ng rest house na yun?" Tanong ko kay nanay pag katapos kong mag mano.

"Hindi daw muna uuwi si señiorito dito dahil may naiwan pa raw na trabaho sa maynila kaya baka bukas na lang daw pumunta yun dito may pasok ka ba bukas anak?" Tanong ni nanay saken.

"Wala naman nay sabado ho kaya bukas wala po kaming pasok ang nanay talaga." Biro ko habang niyayakap sya.

"Mag bihis ka na ngang bata ka at ng maka kain na tayo bukas agahan mo ang gising dahil baka bukas na dumating si señiorito." Utos ni nanay saken tumango naman ako at agad na nag palit ng damit ko.

Pag labas ko ay handa na ang pag kain umupo na kami ni nanay at agad na kumain habang nag ku kwentuhan.

"Sino pala ang nag hatid sayo dito anak? May nakita kasi akong kausap mo sa labas kanina hindi na kita tinawag dahil busy ka sa pakikipag usap dun sa lalaki." Tanong ni nanay.

"Ahh nay si jun po yun yung anak ni aling jode at mang raul naalala nyo pa po ba sila?" Tanong ko habang nag huhugas ng plato.

"Ahh! Oo naalala ko na si jun na ba yun? Ka gwapong bata na e ang laki na din." Nakangiting sabi ni nanay ngumiti rin ako saka nag punas ng kamay.

"Oho nay, natutuwa nga ko at naalala nya pa rin ako ang tagal na naming hindi nag kita nun pero nung unang pasukan naman ay nag kita kami hindi ko lang na kwento sayo kasi madalas kang wala dito." Naka pout kong sabi.

Nguniti si nanay saken saka kinulong ang muka ko sa mga kamay nya. "Lumalaki ka na talaga anak, ang bilis bilis ng panahon hindi mag tatagal ay mag kakaroon ka na ng nobyo na magiging asawa mo na at bubuo ka na ng pamilya." Nakangiting sabi ni nanay.

Napa pout ako lalo dahil sa sinabi ni nanay. "Nay naman wala pa po sa isip ko ang bagay na yan ang iniisip ko pa lang ngayon ay kung papaano ko papaginhawain ang buhay natin. Gusto kong pumunta ng ibang bansa nay, tapos dadalhin kita don! Mag bubuhay reyna ka dun nay at hindi ka na mamasukan nay kasi ikaw na ang pag si silbihan." Nakangiti kong sabi.

"Natutuwa ako anak at kasama ako sa pangarap mo." Nakangiti nyang sabi.

"Syempre naman nay! Nanay kaya kita atsaka hindi naman pwede na hindi ka kasali sa pangarap ko no! Hindi ako papayag."

"Oo na sige na at mag pahinga ka na mag papahinga na rin ako."

"Opo nay, good night!" Sabi ko saka sya pinugpog ng halik.

Tinawanan nya naman ako saka niyakap. At pumasok na sa kwarto nya habang ako naman ay pumasok na sa kwarto ko at inasikaso na ang mga assignments ko saka nag pasya na ng matulog.

--

Nahihirapan ako sa hindi taglish na sentence hahaha! Pero keri ko to! I hope you like my chapter 1 nakakapanibago pero kakayanin :)

Please vote!!

Girlfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon