Chapter 10

217 8 10
                                    

Shanna marie pov

Isang linggo na ang nakakalipas at wala pa ring lexus at balita kay nanay hindi naman sa namimiss ko si lexus pero pakiramdam ko ay mag isa na lang kapag kapag wala sya, wala na nga ang nanay wala pa sya.

"O, bakla malungkot ka nanaman anyari ba sayo?" Worried na tanong ni mar sakin nasa cafeteria kami ngayon kumakain sya habang ako tulala.

"Wala pa rin kasing paramdam si nanay nag aalala lang ako baka ano na nangyari dun." Malungkot kong sagot sa kanya.

"Gusto mo hingi na ko ng tulong sa papa ko? Matutulungan ka nya." Offer ni mar.

Isang opisyal ng mga pulis ang papa ni mar mabait ang tatay nya at marami ng natulong samen lalo na nung mamatay ang tatay ko.

"Salamat na lang mar pero andami nyo ng naitulong samin at isa pa hindi ko naman alam kung nasaang lugar ba si nanay kaya tingin ko magiging abala lang kung ipapahanap ko pa sa papa mo." Tanggi ko sa offer nya gusto ko naman sanang tanggapin kaya lang hindi ko lang talaga alam saan ako mag sisimula oras na tinanong na ko about kay nanay.

"Bakla sure ka jan? Ayos lang naman kay papa yun eh walang problema trabaho nya yun atsaka kaibigan kita hindi ka abala alam mo naman na parang nanay ko na din ang nanay mo bakla."

"Alam ko naman yun mar kaya lang hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kapag tinanong ako saan si nanay e, ang huling kita ko lang sa kanya ay yung sa bahay pa yun wala ng iba." Malungkot kong sabi.

"Eh may mga tao bang nag papunta sa kanya sa ibang lugar? O may kinita ba syang tao?" Sunod sunod na tanong ni mar sakin na para bang nag ini interrogate nya ko.

"Ang huling sabi nya saken ay pinapa punta daw sya ng mama ni lexus sa ewan ko kung saan." Sagot ko matapos maalala ang huling sabi ni nanay saken.

"Alam ba ni papa lexus ang bagay na yun?" Tanong ni mar napairap ako dahil may 'papa' pa talaga pwede namang lexus na lang eh.

"Ang taray mo bakla! Nakita ko yun! Dukutin ko yang mata mo e sagutin mo ang tanong ko hindi yung tinatarayan mo kong loka loka ka." Sabi ni mar saka ako binatukan ng mahina.

"Aray ko naman! Hindi naman kita tinarayan inirapan lang hmp!" Rason ko.

"Gaga parehas lang yun!" Sabat ni mar sa rason ko.

"Hindi, walang alam si lex dun kahit sya nga nagulat ng sinabi kong wala si nanay sa bahay at iniwan akong mag isa dun sa bahay." Sagot ko.

"Ay bongga! Concern ang pa--" hindi na natapos ni mar ang sasabihin nya ng tingnan ko nanaman sya ng masama tinawanan nya lang ako.

"Okey ni lexus, mo bakla at bakit ba tinitingnan mo ko ng masama jan? Takot ka bang aagawin ko ang lexus mo sayo?" Pang aasar nyang sabi napa pout ko.

"Hindi ko alam bakit ako nag kakaganito mar! Sobra na kong nababaliw. Na ko kakaisip kay nanay dumadagdag pa si lex sa iniisip ko."

"Baka naman bakla in love ka sa tao?" Tanong ni mar agad naman nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Malabo yun sobrang labo! Na sa sobrang labo ay hindi ko na rin ma imagine ang bagay na yun dahil una sa lahat malayong malayo ang agwat namin ni lexus sa buhay, sya nabuhay sa respetado, mayaman , at puno ng karangyaan at marami pang iba hindi gaya ko na hindi man lang makabili ng sarili kong gamit in short mahirap lang ako.

Girlfriend For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon