Shanna marie Pov
Maaga akong nagising dahil yun ang sabi ni nanay pero hindi ko naman alam na mas naunahan nya pa din akong gumising lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko syang tulala habang hawak ang picture frame na may picture ni tatay.
"Morning nay!" Masiglang sabi ko saka sya hinalikan sa pisngi na basa ng luha nya.
"Umiiyak nanaman kayo nay, tahan na po hindi po matutuwa ang tatay nyan." Pangongonsensya ko sa kanya tumawa naman sya ng mahina saka pinunasan ang mga pisngi nya.
"Na mi miss ko lang naman ang tatay mo kaya naiyak ako." Rason nya saken.
"Ako din naman nay miss ko na ang tatay, pero masaya na ko kung nasaan man sya ngayon alam ko naman kasing hindi tayo pababayaan ng tatay hindi man natin sya nakikita ay alam ko naman na binabantayan nya tayo kung nasaan man sya ngayon." Sabi ko sa kanya habang nag titimpla ako ng kape ko at para kay nanay.
"Siguro yun anak at mapalad ako at anjan ka para sakin." Nakangiti nyang sabi ginantihan ko ang ngiti nyang yun saka inabot ang kape sa kanya.
"Ngayon na po ba dadating yung may ari nay?" Tanong ko habang nakain kami ng almusal.
"Hindi ko pa alam anak pero maari ka ng dumiretcho dun at linisin mo ang bahay palitan na din ang dapat na palitan para mamaya ay konti na lang ang gagawin natin hindi ko kasi alam kung anong oras ba ang dating ni señiorito." Paliwanag ni nanay tumango naman ako saka nag asikaso.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin isang dress lang ang suot ko saka ko pinusod ang buhok ko ng matapos ako ay agad din akong nag paalam at umalis na.
Ilang lakad lang at narating ko na ang bahay na sinasabi ni nanay, maganda ang bahay puro glass lang may dalawang palapag ang bahay at kulay puti ang pintura.
Pumasok ako gamit ang duplicate key na binigay ni nanay saken inumpisahan ko na ang pag lilinis hanggang sa narinig ko na lang si nanay na may kausap pero hindi ko na lang pinansin hanggang sa tinawag na lang ako ni nanay.
"Shanna anak."
Lumapit ako kay nanay pag katapos nya kong tawagin ni nanay. "Bakit po?" Tanong ko habang sa kanya lang nakatingin.
"Ito si señiorito Lexus sya na ngayon ang titira dito anak." Sabi ni nanay tumingin ako kay señiorito lexus at napansin kong nakatingin din pala sya saken.
"Magandang umaga po señiorito lexus." Magalang kong sabi sa kanya.
"What's your name again?" Tanong nya saken habang nakatitig saken napayuko naman ako dahil nakaka kaba syang tumingin.
"Shanna Marie po." Sagot ko habang nakayuko pa din.
Naramdaman ko syang lumapit saken at saka nya tinaas ang muka ko gamit ang daliri nya halos maamoy ko na ang mabango nyang hininga.
"Nickname please?" He asked again halos nag kanda duling duling na ko habang nakatingin sa kanya.
"Sm po." Sagot ko ulit.
"Sm?"
I nod. He smirked and he let go of my face saka humarap kay nanay, "Maganda po ang anak nyo nanay marian hindi ko naman po alam na may anak kayo." Magalang na sabi nya kay nanay namula naman ang muka ko dahil sa sinabi nyang maganda daw ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/252024504-288-k121983.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire
Teen FictionAre you gonna let yourself make a contract with a man?