Dedicated to her. :")
WAAAHH! yung picture ni ashley hindi ko makita. nakalimutan ko tuloy yung description para sa damit nya. :3
read nyo nalang po. comment after ha? vote if you want. enjoy reading! MERRY CHRISTMAS TO ALL.! HAPPY VACATION! :"))))
**************
Hindi na ako bumalik pa sa music room. Kinuha nalang ni Daniel ang gamit ko at saka pinagpaalam na masama ang pakiramdam ko. Hinatid nya ako at hindi na namin pinagusapan pa yung nangyari.
"kung kelan nagseryoso na yung tao, dun ka naman hindi seseryosin. Tsk.tsk. Buhay nga naman!"
nagkatinginan kami ni Daniel at saka sabay pangnapatawa.pfft.
"HAHAHAHA! para ka namang bata! Hindi naman ginusto ni Khate na hindi siputin yung DATE nyo!hahaha!"
"Ashley naman....Wag mo nga ipamukha sa akin yan!Tch! Imbis na palakasin nyo loob ko, inaasar nyo pa ako ni Daniel!"
Inis nyang sabi. Natawa nalang ako sakanya. Parang bata naman kasi sya. Kanina pa sya nagpaparinig habang si Khatelyn tahimik lang.
Friday na ngayon. Wala kaming practice kaya maaga kaming uuwi. Naglalakad kami ngayon papalabas ng building, katabi ko si Khate at si Daniel tapos sa kabila naman ni Daniel si Carlo. Bali, kami yung nasa gitna nung dalawa, WAR kasi yung dalawa. Hahahaha.nagtatampo parin kasi si Carlo kaya hanggang ngayon hindi parin sila nagpapansinan.
"Alam mo dre, nanliligaw ka palang kay Khate kaya wag kang demanding!"
"tsss... Kung makapagsalita ka naman. Yabang!...Ikaw naman kasi Ashley, bakit ganyan ka kay Daniel? Kung tutuusin mas gwapo ako sakanya, mas romantic at may talent pa,ano bang mapapala mo dyan! Bustedin mo na nga! Pagtabuyan mo na yan!"
binatukan naman sya ni Daniel.
"Aray! T*ena yan, makabatok!"
"eh p*cha! kung makapagsalita ka kasi dyan! Manahimik ka na nga!"
"hindi ko lang naman kasi maisip kung anong meron sayo! Tsss. Ginaya ko na nga yung Good boy style mo pero waeffect!"
Natatawa na lang ako sa inaasta nila.. Haha Syempre naman! Si Daniel lang ang nakakagawang magpabilis ng tibok ng puso ko.. Sya lang ang nagiisang Justine Daniel Sanchez na mahal ko... Ang Knight in Shining armor ko.....
napahinto ako bigla sa naisip ko...
Knight in shining armor.....
"oh? Anong nangyari sayo? May problema ba?"
"Ashley ok ka lang?"
napatingin ako sa kanila. Mukhang nagaalala sila sa akin dahil bigla na lamang akong napahinto sa paglalakad.
"a-ah.ok lang. Hmm..mauna na pala kayo,may kukunin lang ako sandali."
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
