*****
And it was settled for us....
Matapos yung araw na yun hindi na kami nakapag-usap pa. Ako na rin mismo ang umiiwas sa kanya. Not literally, medyo busy din kasi sa 'Play'.
"Ashley...hindi ko alam.. Ayoko na syang kausapin"
"ako nalang kakausap sakanya. Don't worry. It will be fine. Smile ka na, ganda ganda mo ngayon nakasimangot ka"
Nasa may backstage kami at inaayusan ko si Khate. Ito na kasi yung araw ng Play and this will be the last day ng paghihirap namin. Sa wakas! Makakapagpahinga na kami! Hayst. We're talking about Carlo. Gusto daw nyang makausap si Khate. Hindi ko alam kung para saan, pero ayaw naring marinig ni Khate ang sasabihin nito. Baka daw maniwala ulit sya.
"Ganda naman" napalingon kaming dalawa ni Khate. Kumuha sya ng upuan at umupo na nakaharap kay Khate. Yung pabaligtad na nakaupo kung saan nakapatong yung braso nya sa may sandalan ng upuan. Tapos nakatingin sya kay Khate na parang pinagmamasdan yung buong mukha nito.
"baka mainlove sayo nyan si Vince" nakangiti nyang sabi. Napasimangot naman ako. Tinignan ko si Khate. She smiles shyly na parang hindi alam ang sasabihin."uy, hindi ah"
"malay mo. Kung ako nga lang, baka nainlove na ako sayo" parang nag-init naman buong mukha ko sa narinig ko. Napahinto ako sa pagaayos ng buhok ni Khate. Tinignan ko sya pero nakatingin lang sya Khate.
"Excuse me!"
Kinuha ko yung blower. Sinadya akong dumaan mismo sa gitna para tigilan na nya pagtitig kay Khate. Kainis! Manliligaw ko ba talaga ito?! Kelangan harap-harapan kung mangchix?!
"Hala ka, Daniel! Galit na sayo si Ashley. Haha""Hindi ako galit"
I smiled then balik sa magkasalubong na kilay.
Pasalamat ka talaga Khate kaibigan kita, kung hindi kinalbo na kita! GRR! Makapag-ayos nga rin mamaya! Red lipstick, blush on---- -_-"haayy..Ang sarap pala sa feeling na nagseselos yung mahal mo" nag-unat pa sya at humawak sa dibdib nya. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tinuloy na yung ginagawa ko.
SELOS daw?!! Duh! Never! Asa sya!
"Wala ka namang dapat ikaselos Ash""Wala nga! Bakit?! May sinabi ba ako?!" inis kong sabi sakanya. Hindi naman kasi ako nagseselos. Ano bang dapat ikaselos ko? And in fact may karapatan ba akong magselos?!
"You know what, you make my heart beats fast"
"I don't care. Gusto mo patigilin ko pa yan!"
"psh. Pikon mo. Binibiro lang naman kita kanina"
"and so what?"
"I'm just telling na maganda si Khate and all of the guys may fall for her, except me. Pwede naman talaga akong mainlove sakanya, kaso nga lang inlove na inlove ako sayo." tumayo sya at lumapit sa akin. I distance myself from him. Ayan na naman sya. His way para mawala inis ko.
"I think, I should go...Thanks Ash,.irerehearsed ko muna script ko ah." bigla namang umalis si Khate. The hell! Iwanan pa talaga ako sa kumag na toh!
Tinignan ko si Daniel, ngumiti lang sya at painosenteng nakatingin sakin. Yung feeling sinadya nyang gawin yun para umalis si Khate.
"bakit nandito ka ba?! Mamaya lang mag-istart na yung play. Hindi ka man lang mag-ayos." sabi ko habang nililigpit ko na yung mga gamit. Tinulungan din naman nya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/706804-288-k794790.jpg)
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Novela JuvenilThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...