Chapter 28: Hindi kita iiwan

3.7K 56 6
                                        

YAH! insomnia attacks! ang haba tuloy ng update. sorry ngayon lang po ulit nakapagupdate. Thanks po pala sa lahat ng nagfan :">

Enjoy reading. Vote and comment after.  :")

Dedicated kay iemotaku!  ^_______^

FOLLOW ME ON TUMBLR http://saranghaedreamer.tumblr.com/

------------------------------------------------------------------------------------

"u-uhmm. Ashley, pwede ba akong makahingi ng favor sayo?"

"hmmm. Sige,ano ba yun?"

"Pwede bang mag-iba ng role para sa play? O kaya mag-iba ng partner?"

napatingin ako bigla kay Khate. Nakayuko sya habang nilalaro ang mga daliri nya.Yung tipong pinagdidikit nya yung fingertips nya.


"Bakit? Naiilang ka ba kay Carlo?"

"Ahh. Hindi, hindi, hindi sa ganun..."

Umiling-iling sya sa akin habang winawave pa yung kamay nya. Hindi ko maiwasang mapangiti kay Khate. Ang cute cute nya kasi, parang bata kung kumilos. Tignan mo, nagbblush pa yung mga pisngi nya.

"then, why?"
tanong ko habang inaayos yung gamit sa locker ko.


"k-kasi galit yata sa akin si Carlo ngayon, saka gusto ko ring makapartner si Vince"

Napahinto ako bigla ng marinig ang pangalan nya. Naninikip na naman ang dibdib ko. Muli kong naalala yung sinabi nya nung friday. Nararamdaman ko ulit yung sakit na kanina ko pa tinatago.


"u-uhmm. Ashley, ok lang kaya yun?"

"a-ahh. S-sige. Sasabihin ko kay Ma'am"

agad ko ng kinuha yung mga books na kelangan ko at isinara yung locker.

"Yehey! Thank you Ashley! Sana talaga pumayag si Ma'am"

I gave her a weak smile.


"Khate.."

"oh, Hi!..--AY! Ashley!"
bigla kong nabitawan yung mga librong hawak ko ng marinig yung boses na yun. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko kung kaninong boses yun.


natataranta naman ako habang kinukuha yung mga gamit ko, may mga papel din kasing nakaipit sa libro kaya nagkalat ito. Buti nalang andun si Khate para tulungan ako.

"u-uhmm..Khate, una na ako, dadaanan pa kasi ako SG lounge."

"aah.ganun ba, sige kita nalang tayo sa may room"
ngumiti lang ako kay Khate at saka umalis na.

I don't even dare to look at him. Hanggat maaari kasi ayokong syang makita.. Ayokong magkalapit kami.. At higit sa lahat ayokong magtama ang mga mata namin..dahil alam ko, patuloy lang akong masasaktan. Ito ang gusto nya, ang lumayo ako sakanya then, I'll give him what he wants. Kahit mahirap... Kahit masakit.

Tumakbo na ako palabas habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Dumiretso ako agad sa restroom at doon inilabas ang kanina ko pa tinatago. Pumasok ako sa isang cubicle. Tahimik akong umiiyak habang walang hinto sa pagtulo ang luha ko.

Talaga bang balewala na ako sakanya?! Yun na ba ang ending ng friendship namin?!

Hindi nya talaga ako pinapansin simula kanina. Talagang pinanindigan nya yung sinabi nya. Parang ngang hindi ako nageexist sakanya. Yung tipong parang ghost lang. Akala ko nga nung weekends pupuntahan nya ako sa bahay para magsorry.. Para bawiin lahat ng sinabi nya. Umasa akong dadating sya,pero wala... Nagmukmok lang ako buong maghapon. Iniisip kung bakit ganun? Kung yun ba talaga ang dahilan nya or may iba pa? Talaga bang pagod na sya sa akin? Sawa na ba sya sa pagiging makulit ko at masungit? Tulad rin nga ba sya ng iba na hindi nakakatiis sa pagiging sadista ko?


Natawa ako ng mapait sa huling katanungan ko. Tumayo na ako at pinunasan ang luha ko.


Siguro nga katulad din sya ng iba. Hindi kayang tanggapin kung anong ugali meron ako.


Lumabas na ako ng CR na parang wala lang. Balik sa dating Ashley na wala pang Vince. Namiss ko nga ito, yung dating ako. Dahil alam ko, kahit papaano nag-iba ugali ko nung kasama ko si Vince. Mas naging socialize ako at mas naging open sa lahat. Pero ngayon, ayoko muna. Gusto kong ibalik yung Ashley noon, na may harang yung mundo. Yung limited lamang ang pwedeng makapasok. Dahil yung Ashley noon, hindi ganito kadaling masaktan.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon