Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako kay Carlo! Naiinis ako kay Daniel! BWISIT! Bakit hindi man lang kasi ako nagtaka kung bakit hindi sya nagsasalita?! At talagang hinayaan nyang maniwala ako na sya si Carlo! Yung isang tukmol naman, hindi sinabi agad na palitan pala sila ni Daniel sa costume! Loche!
Hindi ko na sinabi sakanila yung EPIC na nangyari! Tinanong ko lang kay Carlo kung asan costume nya. Tapos ayun na! Patay malisya na ko sa katangahan ko!
"Ashley! Puntahan na natin si Khate sa bahay nila. Dali na. Please!"
kinukulit na naman ako ni Carlo. Absent kasi ngayon si Khate, ang sabi namin nilalagnat lang sya. Pero yung totoo, eto na yung araw ng surgery nya. Pupunta na nga kami ni Vince kaso hindi kami makaalis kay Carlo. Pasaway!
Gustong-gusto ko ng sabihin sakanya yung sakit ni Khate pero pinagbabawalan ako ni Vince. Naaawa narin naman ako kay Carlo, wala syang kamalay-malay sa mga nangyayari.
"aish! Ano ka ba Carlo?! Baka lalong lumala sakit ni Khate kapag nakita yung mukha mo!"
"ang sama mo talaga sakin. Sige na kasi. Sasamahan nyo lang naman ako"
nagmamakaawa na sya. Kulang nalang lumuhod pa sya sa harap ko. Pffft. Tumayo na ko at binitbit yung bag ko.
"wag muna ngayon. may date kami ni B. Diba B?"
humawak ako sa braso nya at may pakindat kindat pa ko sakanya pero imbis na makisakay sya sakin, inisnob lang nya ko! Myghaaad! Gumagawa na nga ng paraan para makatakas kay Carlo. Psh!
"date? Tss. Porket wala si Daniel dito, gumaganyan ka na Ash"
lub.dub.lub.dub
nabanggit na naman nya si Daniel. Bakit ba lahat nalang ng may kinalaman kay Daniel apektado ako masyado?! Nababara tuloy ako ni Carlo!
"oh, peace! Sorry"
ngumiti lang ako sakanya at diretso labas na ko. Hindi na nya ko kinulit ulit. AHHH! Daniel! Ano bang gagawin ko? Hayst!
Pinauna naming makaalis si Carlo bago kami sumakay ni Vince. Magcocommute lang kami ngayon dahil medyo malayo yung hospital.
"B. Kinakabahan ako."
nakatingin lang ako sa may bintana. Hindi ako mapakali sa bus. Gusto ko ng makita si Khate.Ano na kaya nangyayari sakanya ngayon?
"masakit yung gagawin sakanya. Pano kung hindi nya makayanan yung sakit? Paano kung hindi naging ok yung surgery? Pano kung.. kung pagdating natin dun--AWW!"
napalingon ako agad sakanya. Bigla daw bang pitikin ako sa noo?! Aish! Ang lakas pa ng pitik!
"Anong problema mo?!"
"Kung anu-ano kasi pinag-iisip mo."
"nag-aalala lang naman ako kay Khate"
"Ok lang yun. Malakas si Khate. Kakayanin nya yun"
ngumiti pa sya sakin na parang inaassure nya talagang walang mangyayaring masama. Pero hindi ko maiwasang mag-alala hanggat hindi ko pa nakikita si khate! WAAAHHH! Ayoko na!
Ang traffic! Pinagpray ko nalang si Khate habang nasa bus kami. Yung katabi ko naman tahimik lang din. Nakatulog na yata.
Puno na yung bus. May babaeng sumakay at tumapat dun sa gilid ni Vince. Chix naman yung girl, parang model lang dating nya.
Naalala ko tuloy nung kasama ko si Daniel. Napakagentleman talaga nun. Tatayo sya agad para ioffer seats nya.
Tinignan ko naman yung kasama ko. Nakacross arms at nakapikit parin mga mata nya. Tulog ba talaga to? O tulug-tulugan?
![](https://img.wattpad.com/cover/706804-288-k794790.jpg)
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...