Chapter 75: Player

1.8K 35 1
                                        

OJT na next week. no vacation for me </3

Read Read. Vote.comment.follow. after. Ciao! :")

****

"Sasabihin ko naman talaga yun sayo, kaso hindi pa naman ako nakakapagdecide kung kukunin ko na ba o hindi"

pinaliwanag na nya sakin ang lahat. Pinadala ng coach nila yung mga videos ng game nila since nung nagstart sya na magbasketball sa school, hanggang sa nakita yung potential nya sa paglalaro. Nung araw ng Christmas Ball sinabi sakanya yun at nung time na yun galit ako sakanya kaya malamang talaga hindi ko malalaman.

"Bakit hindi pa? Ayan na yung opportunity, tatanggihan mo pa?"

"Hindi ko nga kasi kaya na malayo sayo"

napatingin ako sakanya at bahagya syang ngumiti. I know, ako rin naman ayoko syang umalis pero yun yung dapat.

Since nung naging kami, nakapagdecide sya na wag ng tanggapin yung scholarship. One week nga lang daw sa Batangas, namimiss na nya ako. Pati nung umalis sya for two weeks sa Japan, nahohomesick na sya dahil daw sakin. What more kung 4years? Tapos uuwi lang sya pagbakasyon.

Pero sayang lang kung hindi nya tatanggapin. Eto pangarap nya diba? Eto rin gusto ng parents nya. Alam ko rin naman na hindi sila masyadong close ng daddy nya, at ayaw ng pagbabasketball nya. Gusto ng daddy nya na maging Lawyer sya, not to be a player.

"Ayaw mo ba nun? Ngayon lang naging proud sayo daddy mo. Tapos susuportahan ka pa nya sa gusto mo. I-grab mo na yun"

"kaya nga naguguluhan pa ko. Pero parang ayoko ng umalis. Saka pwede naman ako maglaro dito, makakasama pa kita."

pasimple nyang nilagay yung kamay nya sa balikat ko. PSH! mang-aakbay pa! Sikuhin ko nga sya.

"aww. Bakit?"

"tatanong mo pa. Tss! Tanggapin mo na kasi yun. U.S lang yun, hindi ibang planet! Pwede ka namang umuwi-uwi kapag may time ka or tumawag. Arte nito!"

URGH! Pinupush ko sya kasi eto yung mas better sakanya. Ayokong maging hindrance sa dream nya. At saka gusto kong maging ok sila ng daddy nya.

Kahit na sa totoo lang, ayoko talaga syang umalis.

Sumandal sya sa balikat ko at hinawakan yung kamay ko.

"Mahihirapan kasi tayo kapag malayo sa isa't isa. Sabihin na nating tatawag ako sayo araw-araw, uuwi ako every month, pero hindi natin masasabi kung hanggang kelan ko kayang gawin yun. Magiging busy na tayo nyan sa college. Iba parin kung magkasama tayo"

"Pero pano yung dream mo? Hindi mo na makakalaro nyan si Lebron James"

natawa sya sinabi ko. Kung alam lang nya yung nararamdaman ko. Natatakot ako na baka hindi magwork yung relationship namin kapag natuloy sya.

"Hawak-hawak ko na pangarap ko, bakit bibitawan ko pa?"

kumakabog yung puso ko sa sinabi nya. Umayos sya ng upo at tumingin sakin. Hinawakan nya yung pisngi ko at hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko.

"You're my dream, you're my happiness, my life.. And the only thing I want is to be with you"

lub.dub.lub.dub

Yung puso ko hindi mapakali. Ramdam ko kung gaano kasincere sya. Pero kasi...

"Don't worry about it. May 1month pa ko para mag-isip. Ang mahalaga ngayon, kasama ka." napansin nya sigurong nagwoworry ako sa magiging decision nya. Bumaba na sya sa may ground.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon