hi! ang haba ng update. pinagkasya :p
dedicated to TheGirlNotBeenTaken . Hi! thank you for reading! harthart ^^
***
'I do, Daniel'
halos hindi na maalis yung ngiti nya. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Kapag sya talaga kasama ko, kumpletong kumpleto na buhay ko.
"Daniel.. I love you...Vince.. V-vince?!'
nawala si Daniel at biglang nag-appear sa harap ko si Vince. Anong nangyayari? Hawak-hawak pa nya kamay ko na kanina lang hawak ni Daniel. Bakit andito sya?!!
Bigla syang nag-smirk na lagi nyang ginagawa kapag inaasar ako.
Fuuuudge!
Napadilat ako bigla. Lotse! Ano na naman ginagawa ni Vince sa panaginip ko?! Aish! Eto na papala ng tanong ni Daniel kagabi!
Napatingin ako sakanya. Nakaidlip pala ako. Mukhang ang sarap sarap ng tulog nya ngayon ah, nakayakap pa kasi sakin. PSH. Ano?! Unan lang?
Tumingin ako sa bintana. Anong oras na ba? Bakit maliwanag?! Wag mong sabihing hindi idlip ginawa ko?!! Aish! Kasalanan talaga toh ni Daniel! Bigla kasing magtatanong ng ganun?! eh malay ko ba kasi sa panaginip ko, umeepal si Vince! Ayan tuloy! Hindi ko namalayang nakatulog ako kakaisip.
Dahan-dahan kong itinaas kamay nya para hindi magising. Ang bigaaat! Hirap makaalis sa yakap nya!
Napaungol sya at lalo pa kong niyakap ng mahigit. Tss. Gawin daw ba talaga akong unan? Hindi talaga ako makawala sakanya. Pumikit nalang ako at tumagilid paharap sakanya. Magtutulog-tulugan nalang ako, para pagising ko patay-malisya lang. Kunwari hindi ako natulog na katabi sya. Aish! Kakahiya talaga!
Hindi ko matiis na hindi sya tignan matulog ngayon. Hayst. Kung titignan, hindi mo aakalaing may pagkaisip bata sya, napakapasaway!Ang lambing pa. Hindi na napagtatatakang maraming may gusto sakanya.
Parang dati, akala ko sa panaginip lang pwedeng mangyari ito. Pero tignan mo naman ngayon, etong-eto na sya ngayon. Hindi ko kelangan managinip pa. Yakap yakap nya ko, na pakiramdam ko protektado ako sakanya.
Napansin kong yung pagsmile nya. Gising ba toh o nananaginip? Pumikit nalang ako. Maang-maangan.
Bahagya kong binuksan yung isang mata ko, pipikit sana ako ulit pero shemmmms! Nahuli na ako! Gising na nga sya!
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Fiksi RemajaThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
