Sorry po kung super late. Naiistress lang po talaga ako ngayon. Ahaha! SAKIT SA BANGS! Ang daming ginagawa. Lahat nakaasa sakin! Ghollllllly! Yaan nyo. Malapit na October. Malapit na sembreak!WOOPEE! ^___^
kk. read nyo na po. Thank you sa paghihintay. :*
**************
"Isa Daniel! Umayos ka nga"
"Ako na. Kaya ko na yan."
"Mahihirapan ka nyan eh!"
"Ayoko namang ikaw ang mahirapan. Kumain ka nalang"
Nagsusukatan kami ng tingin ni Daniel. Pa'no kasi ako na tong nagmamagandang loob para subuan sya,ayaw pa. Choosy pa eh!
Nafracture kasi ng kaunti yung kanang kamay nya kaya nakabenda parin hanggang ngayon. Hindi naman daw ganun kalala sabi nung doctor but he needs to be gentle.
Buti nalang talaga may napadaan na kaschoolmate namin kundi nayari na talaga kami nung sabado. Yung mga kolokoy naman, I think nasuspend yata sila for two weeks. Napagsabihan lang naman si Daniel tapos dinala narin sya sa hospital. Syempre sumama narin ako. Ayos lang talaga ng fieldtrip! Nauwi sa hospital! Aish! Loche kasi mga yun! kapag nakita ko lang talaga ulit yun, buburahin ko mukha nila.
"hayst! ok. Talo na ko." napangiti sya bigla at bumulong pa "bakit kasi nakakainlove yung titig mo?"
"ano na naman yang binubulong mo?"
"wala"
"sabi nya nakakainlove daw titig mo Ash. Psh! Nakakaumay kayong dalawa"
napamakeface ako kay Carlo sabay sipa sakanya. Kasabay kasi namin sila maglunch ngayon ni Khate. At nasa harap namin sila.
"daldal mo loko! Binulong ko na nga lang."
"totoo naman ah. Diba Khate? nakakawalang gana kumain."
"uy, hindi naman. Ang sweet nga nila eh"
"Naiinggit ka lang kasi samin ni Ash"
pinagtutulungan na naman namin si Carlo. Natatahimik talaga sya kapag kinokontra ni Khate. Ahaha! Pikon.
"kapag ako talaga sinagot ni Khate. Humanda kayong dalawa"
ayan na naman po tayo. Buti nalang masyadong mabait si Khate, kung ako dyan matagal ko na syang binatukan. Paulit-ulit yung linya! Walang kasawa-sawa!
"oy dre, pa-table kami. Wala na kaming mapwestuhan"
napatingin naman kami sa bagong dating na mga 'POGE'. Hindi pa kami sumasagot, umupo na agad sa tabi ko si Lawrence. Inurong-urong pa ko nung loko. Sikip na tuloy! Nasa gitna kasi ako nila Daniel.
"Excuse me"
"oyoyoy! Anong ginagawa mo?"
tinabi ni Vince sa gilid yung pagkain ni Carlo tapos nilagay nya sa gitna yung sakanya. Talagang pinagsiksikan nya pa yung sarili nya para umupo sa pagitan ni Khate saka ni Carlo.
"hoy! Ako dyan dre! Alis ka nga!Gusto ko katabi si Khate!"
"bakit gusto ka bang katabi ni Khate?"
Hindi nakasagot agad si Carlo. Napasmirk tuloy si Vince sabay subo sa pagkain nya. Kami naman natatawa narin. Kawawa eh. Barado. Pffft.
"Sige lang. Pagtawanan nyo lang ako. Tatandaan ko tong araw na toh!" gigil na gigil nyang tinusok yung ulam nya at tumingin samin. "Grabe kayo! Kapag ako--"
"Kapag ako talaga sinagot ni Khate, humanda kayo"
nagkatinginan pa kami ni Daniel at saka tumawa. Ahaha! Sabay pa talaga kami ni Daniel sabihin yung 'Awesome Lines' ni Carlo.
"Good.Alam nyo na. Pero hindi nyo na kelangan pang magsabay sabihin dahil--"
"nakakaumay"
Nagkatinginan kami ulit. Gaya-gaya! Bakit ba pareho kami ng naiisip sabihin?!
"Aish! Nauumay ako sainyo!" Napahilamos naman ng mukha si Carlo at tumingin ng masama samin. Ang bitter lang nya! Hindi naman namin sinasadyang pareho kami ng naiisip.
"ang sama mo. Hindi naman ah."
kinontra na naman sya ni Khate. Behlat!Sorry sya.Bestfriends kami ni Khate. At B.I ako. Ahaha!
"psh. Lagi nalang! Hayst! Ang sikip! Vicente alis ka nga! Singit ka eh!"
"f*ck you! Ano tinawag mo sakin?!"
"BI...SEN..TE. Tagalog ng Vincent--Aray! Tokwa makabatok!"
pffft. Bisente! AHAHA! Isa sa reason kung bakit ayaw nyang Vincent tinatawag sakanya dahil dyan. Moahaha! Siraulo talaga si Carlo. Makaganti lang.
"ahmm. Dito ka nalang Vince, tapos narin naman ako kumain"
tatayo na sana si Khate ng pigilan sya ni Vince.
"tss. No need.Nag-iinarte lang yan"
"grabe! Parang hindi tayo magkaibigan Vince ah. Harap harapan pa talaga. Wala namang ganyanan pre"
tumayo si Carlo at pinaghiwalay yung kamay ni Vince saka ni Khate. Hinawakan kasi kanina ni Vince yung kamay ni Khate para pigilang tumayo.
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
