Chapter 42: The Prince and the Knight

2.8K 42 5
                                    

see? ang bilis ko lang magupdate ngayon. ahaha!solo si pc ee. xD

read nyo na.

Don't forget to Vote.comment.and follow. :">

thank yah! :**

***

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?"

Nasa may isang nursery school kami. Dito daw nagtuturo yung mommy nya dati. Kilala sya nung guard kaya pinapasok kami. Madalas din daw syang nagpupunta ditto kung gusto nyang mapag-isa.

Tulad kahapon, magdamag lang daw siyang nandito. Sinabihan daw kasi siya ni Dhie na magpahinga muna at wag na munang pumunta sa bahay. Si Dhie rin daw ang nagyaya sa kanyang sumabay para magsimba.

Naupo siya sa may damuhan at sumandal sa puno. Andito kami malapit sa may playground. Tahimik at nakakarelax yung paligid.

"Dito ka" 

pinapaupo nya ako sa tabi nya.

Sumunod naman ako. Tulad nya, sumandal din ako sa may puno.

Tinignan ko yung buong paligid.

Parang familiar sa akin yung place na ito. Hindi ko alam kung napuntahan ko na ba toh noon o dahil katulad ng ibang playground kaya parang nakita ko na.

Malawak yung lugar. Kami lang dalawa dito ngayon dahil bakasyon na. walang pasok yung mga bata.

Napansin kong hinawakan nya yung kamay ko.

"Atleast dito, hindi ka maiilang makita ng iba na kasama ako. Walang makakita. At pwede kong hawakan yung kamay mo ng hindi na patago"

nagblush naman ako sa sinabi nya. Eh sino bang hindi maiilang kung may kasama kang gwapong sikat? Syempre pagtitinginan talaga kami.

Sa totoo lang, hanggang ngayon nahihiya parin ako kapag kasama siya. Walang pinagbago yung nararamdaman ko, simula nung magkakilala kami  hanggang ngayon.

Bumibilis parin ang tibok ng puso ko kapag kausap siya.

"sino naman nagsabing pwede mong hawakan kamay ko?"

nagsmirk ako at hinila yung kamay ko sakanya.

Seryoso naman nya akong tinignan at pumaharap pa sa akin.. Inilagay nya pa sa magkabilang gilid ko yung kamay nya.

"h-hoy! Anong gagawin mo?!"

kinakabahan ako sa titig nya. Lalo na ngayong palapit ng palapit yung mukha nya.

Lub.dub.lub.dub.

Itinaas ko yung kamay ko para maiwasan pa ang paglapit nya.

He slightly grips my hand. Hindi parin nya inaalis yung tingin nya sa mga mata ko.

Nakakamesmerized yung mga mata nya. Para akong natutunaw na ewan sa titig nya. Hindi ako makagalaw. Nakakapanlambot.

Para akong hinihigop ng mga mata nya.

"don't throw this again"

Bigla syang ngumiti at napansin ko nalang na suot ko na pala yung bracelet na binigay nya dati.

Pinisil nya yung ilong ko at umalis na sa harap ko.

Hayst. Kinabahan ako dun. Akala ko kung ano na. Isusuot lang pala nya yung bracelet, kelangan pa akong titigan ng napakalapit. Psh!

"Pahiga nga ako Ash.."

Hindi pa ako nakakasagot, humiga na sya agad sa lap ko.

"hoy! Ano ka siniswerte?! Alis jan"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon