Pagkalabas ko ng room, andun parin mga classmates ko. Alam ko namang worried sila sakin pero ayokong maramdaman na kinakaawaan nila ako. Napatingin ako kay Vince, nagkatitigan kami pero ayoko munang makipag-usap sa kahit na sino. Lahat sila pinaglihiman ako. Lahat sila pakiramdam ko, niloko ako.
"Ashley, please! Let me explain"
Napalingon ako sakanya ng hawakan nya yung kamay ko. Ang higpit ng hawak nya. Kahit anong hila ko ayaw nya paring bitawan.
"Ano ba Daniel?! Gusto mo bang gumawa pa ko ng eksena dito?! Bitawan mo ko!"
lalo pa nyang hinigpitan hawak sa kamay ko. Hindi ko alam gagawin ko. Ayokong gumawa ng eksena dito! Ang daming students na makakita. Pero paano ako makakaalis nito kung ayaw nya ko bitawan?!
"Titigil lang ako kapag pinakinggan mo na ko!"
tumataas na yung boses nya. Hindi na rin nya pinapansin yung mga students na nakakarinig samin ngayon.
"Ano pa bang dapat kong marinig?! May kulang pa ba sa napanuod ko? Pirated ba yun? Pahingi naman ng copy baka mas malinaw yung sayo. Para lalong luminawag sakin kung paano mo ko niloko!"
full of sarcasm na lumalabas sa bibig ko. Lalong kumunot noo nya at mukhang nagpipigil na sya ng galit. Natatakot ako kapag ganyan sya, para bang hindi ko kayang makita syang nagagalit.
"Ganyan ba talaga tingin mo sakin Ashley?! Manloloko?!" nabigla ako ng hawakan nya ko sa magkabilang braso. "Lagi ka nalang nagseselos, may tiwala ka ba talaga sakin?! Akala ko ba ako lang paniniwalaan mo?! Asan na yung sinabi mo kanina Ashley?!" humihigpit na yung hawak nya sa braso ko. Nasasaktan na ko.
"Ano naman kung ginawa nga namin yun?! That was just a kiss! Bakit ba big deal yun sayo?!--"
Dumapo ulit yung kamay ko sa pisngi nya. Wala na akong pake kung maraming tao o, kung mapahiya pa sya ngayon.
Big deal?! OO! Big deal yun sakin! Ako na yung mababaw para magalit ng ganito. Fcksht! Sa tingin nya ba hindi masakit makitang may kahalikan na iba yung taong mahal mo?!
TheHell! Boyfriend ko na sya! wala ba kong karapatang magalit kapag nakitang may kalandian boyfriend ko?!
SHT! Binigay ko lahat ng tiwala ko sakanya. Hindi ko na sya tinanong tungkol sa nangyari kagabi. Ano pa bang tiwala gusto nya?!
Hindi pa ba panloloko yun?! Dapat ba actual kong makikita?! Harap-harapan?! I give him my full trust, tapos gaganituhin nya lang ako! FCKSHT!
"Wala. Hindi yun big deal Daniel! Hindi kasi sya masakit. Hindi masakit maloko. Yung tipong buong mundo alam na, ako nalang hindi. Wow! Para akong nasa Gags show, Wow mali ba toh? Just for laughs? Asan yung camera?! Grabe! Ang galing nyo mantrip. Hindi ko akalain na joke lang pala ng lahat satin! Thank you ha? Ako pa talaga napili mong saktan. I should be grateful for that."
Pilit akong ngumiti sakanya pero tumulo lang yung luha ko. Nakatitig lang sya sakin at kitang kita ko yung pain sa mga mata nya.
Ang lungkot na ng mga mata nya hindi tulad kanina na naniningkit sa galit.
Napahinga sya ng malalim at biglang lumuhod sa harap ko. Nakayuko lang sya habang ako tulala sa ginagawa nya.
"Please Ashley, wag mo naman tapusin ng ganito lang. Pakinggan mo muna ko. Please."
nagbreak na yung boses nya. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya. Hindi ko makita mukha nya dahil nanatili syang nakayuko. Lalong sumisikip yung dibdib ko. Parang nahihirapan akong huminga. Pero anong gagawin ko? Mas nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pinunasan ko yung luha ko at tumalikod sakanya. Hindi na ko nagsalita. Iniwan ko nalang sya dun na nakaluhod.
Tingin ba nya ganun kadaling paniwalaan yung mga sasabihin nya? Na kada pikit ng mata ko nakikita ko yung nasa video. Tatlong beses...tatlong beses yun.! Wag nyang sasabihin sakin na hindi nya sinasadya yun. Wala akong makitang rason nya, kundi ang niloko nya ko. Paano ko sya papakinggan kung ayaw ng paniwalaan ng puso ko mga sinasabi nya?!
Akala ko nga kukulitin pa nya ko pero hindi na nya ko sinundan after nun. Hindi pa alam nila mhie yung nangyari. Wala pa kong pinagsasabihan, pero alam kong ramdam nilang may problema ako.
8:15 na. Late na naman ako. Baka madention ako nito, lagot na! Ayoko pa nga sanang pumasok kaso naisip kong hindi dapat maapektuhan pag-aaral ko ng dahil sakanila.
Huminga muna ko ng malalim bago kumatok.
"Good Morning Ma'am! I'm sorry, i'm late"
"Ok Ms. Santos. You may come in."
nagulat naman ako bigla kay Ma'am. Seryoso? Wala ng sermon-sermon? Hinanda ko pa naman din tenga ko.
Nagthank you nalang ako at papunta na sana sa upuan ko kaso napansin ko agad na iba yung seatmate ko. Napapikit pa ko dahil baka imagination ko lang, pero hindi talaga! Si Daniel talaga yung nakaupo sa tabi ng upuan ko. Napatingin din ako sa may likuran nya at kumaway pa sakin si Carlo. The fudge! Anong nangyayari?!
Tinignan ko si Ma'am at mukhang kasabwat sya dito kasi biglang iwas tingin sya sakin.
"Go to your seat Ms Santos, then answer exercise 1-3 page 70 to 73 of your book. You have to pass it on time. I won't give you extension for this because you're 15 minutes late,and that's your consequence."
WOW! naman oh. Akala ko lusot na. 15minutes?! GoodLuck sakin. Baka matapos ko po, ano po? Lalo na may katabi akong epal ngayon.
No choice. Umupo na ako at nilabas yung gamit ko. Para akong may stiffneck ngayon. Hindi ako makalingon-lingon.
Lub.dub.lub.dub.
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
