Chapter 2: ang sakit. Sobra </3

8K 154 18
                                        

 Pakiramdam ko huminto ang mundo ko ngayon. Ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko.

Nakatayo ako ngayon sa mismong harap nya at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nagpapanic na yung puso saka isip ko.

Totoo ba toh? Hindi naman ako nananaginip diba? Nasa harap ko siya diba? KAHARAP KO SIYA NGAYON!


LUB.DUB.LUB.DUB

Hindi ko maalis yung titig ko sakanya. Hindi rin ako makapagsalita. Para na naman akong tangek na nakatingin sakanya.

Kasi naman, bakit ang sarap nya titigan?! Lalo na ngayon oh. Nakangiti pa siya..


Pero masarap nga ba siyang titigan ngayon?

O dapat akong masaktan dahil nakangiti siya habang nakatingin sa bestfriend ko.?




Masakit.



Sobrang sakit makitang nasa harapan mo nga siya,naka-ngiti pero nakatitig naman sa iba.



Ayoko ng ganito.



Panaginip na lang sana ang lahat ng ito.



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.



Nanghihina ako.Feeling ko matutumba ako.



Nakatitig lang ako sakanya,habang may nangingilid na luha sa aking mga mata.

Anytime, tutulo na yung luha sa mga mata ko, kelangan ko ng umalis dito. 



Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko.


Ang sakit-sakit na!

Kahit naman sabihin kong masaya ako para sa bestfriend ko, hindi ko naman kayang magsinungaling na hindi ako nasasaktan! Hindi naman ako manhid para hindi yun maramdaman. Pakiramdam ko nga tinutusok ang puso ko ngayon.


Parang bigla naman akong natauhan ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"B tara na,kain na tayo.Trish una na kami ah?" sabi ni Vince habang hawak-hawak ang kamay ko.

Nagdadalawang-isip pa yata si Trish kung sasama pa ba sya sa amin. Pero tumango na lang sya at pinauna na kami.



Naglakad na kami palayo, hawak-hawak niya parin ang kamay ko.



Hayst.


buti nalang at nandun si Vince. Parang nagkaroon ulit ako ng lakas.hindi ko talaga alam kung ano na ang gagawin ko kanina.


Ang awkward para sa akin yung nangyari. Ikaw ba namang makita harap-harapan kung paano magtitigan at magngitian ang mahal mo at ang bestfriend mo. Geez! Pwede na bang maglaslas?!!




"Mahal mo parin siya nuh?"

Bigla akong napahinto sa paglalakad at napatingin sakanya.


W-what did he just say?



Bakit parang ang sakit pakinggan?

Parang muling kinurot ang puso ko.


"h-ha?Anong sinasabi mo dyan?ako ba kausap mo?" pagmamaang-maangan ko.
humarap siya sa akin at binitiwan na nya ang pagkakahawak sa kamay ko.



Tinignan ko lang sya.

Nakapamulsa siya habang nakatitig sakin.

Alam ko madalas nakastraight face lang sya o yung tipong walang kaemosyon emosyon mukha nya, pero iba ngayon. Napakaseryoso talaga ng mukha nya. Parang may kakaiba.


anong gusto niyang sabihin?


"hanggang ngayon may gusto ka parin kay Daniel."


Daniel?


panong..

Pa'no nya nalaman?



Hanggang ngayon?


ibig sabihin matagal na nyang alam?


Halata na ba ako?



"ha? Ahahaha! ano bang pinagsasabi mo?ok ka lang ba?never yun noh.kay bestie na yun."

Pagdedeny ko. Hinampas ko pa ang braso nya at saka bahagyang tumawa.


Ewan ko ba.


Kahit kay Vince hindi ko masabi ang nararamdaman ko.



"I can see it in your eyes."


hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


Napayuko ako. Kagat-kagat ko lang ang lower lip ko habang iniisip kung sasabihin ko ba ang totoo sakanya?



Sasabihin ko nga ba?

Pero para saan pa? Para malaman nya kung gaano ko nasasaktan?!



"ARAY!" 



Napahawak ako bigla sa noo ko. Tinignan ko ng masama si Vince na ngayon ay ngiting-ngiti dahil sa ginawa nya.

"HAHAHA!Peace!"

"Peace ka dyan! Ang sakit kaya! Kung ikaw kaya ang pitikin ko dyan sa noo! Tch!"

Inis kong sabi sakanya habang himas-himas ang noo ko.
Kahit kelan talaga si Vince, Asar! masasapak ko na talaga itong lalaking ito eh!



Aww. Ang sakit talaga! Masakit na nga puso ko pati ba naman noo ko.


"patingin nga"

lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
tinitigan niya yung noo ko. 


Tapos unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.at saka hinalikan ang noo ko.




Bakit ganito?




Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko?


ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.



"ayan.ok na yan.for sure hindi na yan masakit"


nakangiti niyang sabi.


Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa ginawa nya.


"yuckkk!! ewww! A virus has been detected! magkakaroon ng infection niyan ang noo ko.tch!." pagbibiro ko sakanya.


pero sa totoo lang hindi na masakit. Ang galing! Parang magic!!  Isa kayang healer si Vince? PFFT! Ahaha!



"psh!ewan ko sayo!ang kulit mo. kain na nga tayo"

sabi niya sabay akbay sakin.

NAKU PO! Kaya kami napagkakamalang mag-ON nito eh. For sure, magagalit na naman sakin mga fans nya.






Fans?

OO! Fans! As in F-A-N with S!


Mga babaeng naiinlove sa kaweirduhan nya.


I mean, his not totally weird. May pagkasuplado lang kasi sya pero kahit ganun marami paring nagkakandarapa sakanya. Hay! Weird! 


Pero sori na lang sila. Ganito talaga kami ng B ko. Haha!



"hello joshua!"
"hello kuya josh!"
"hi Vince!"


Oh.. ayan na nga ang mga dakilang fans niya.. 


Kapag kay Vince ganito ka lapad ngiti nila ^_________________^


Pero pagdating sakin..








ganito =________________=



oh diba? SO UNFAIR!! Tch.


"hello ate ash.. hello kuya josh"
"yiiiiiiiiiehh.. sila kuya ohh.."


buti pa yang mga fans niyang first year,,












Akala kami.Tch.

















Pero Never yun noh..



"hello din."

bati ko na lang sa kanila. hindi kasi sila pinapansin ni Vince. Psh. suplado talaga lalaking ito kahit kelan. Akala mo kung sinong gwapo! -________-

*********

Nakaakbay lang siya sakin hanggang makarating kami sa canteen. Umorder na kami at umupo sa may vacant chair.


Magkaharap kaming kumakain ngayon ni Vince.




Kapag kasama ko si Vince nakakalimutan ko si Daniel.


Pero kapag nakikita ko si Daniel nakakalimutan ko ang mga nasa paligid ko.Parang siya lang ang nakikita ko. Katulad kanina,parang huminto sa pagikot ang mundo habang nakatitig lang sakanya.



Arggh!.naalala ko na naman yung nanyari kanina.




hayst.Justine Daniel Sanchez.

Bakit kasi ang gwapo gwapo mo?! Ang daming nagkakandarapa sayo.! Hindi lang dahil sa magaling kang magbasketball, (MVP nga kasi!), kahit sa Chess ikaw parin yung magaling! IKAW NA TALAGA! Ang dami mong alam! NAKAKAINIS KA! Ang galing mo pa sa MATH kaya since Thirdyr, ikaw na may hawak ng MATH CLUB. Campus Heartthrob ka na nga. Nasayo na lahat! Sabihin mo nga sakin!. Ano bang hindi mo kaya, bukod sa hindi mo kayang mahalin ako.?!

 

AWCH! THE FUDGE! Anong meron ba sayo at hindi kita magawang kalimutan?



hindi ko makuhang magmahal ng iba?

Bakit ang sakit mo namang mahalin?



Bakit ganun?









Ang sakit. Sobra.

---------------

tbc :)

Vote.comment.fan

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon