Update ulit. Oheemm! Nakalimutan ko ikwento. Nakita ko si ate denny! Haveyouseenthisgirl! Ang gandaaa nya. nakakaiyak! sobrang bait nya. hands down talaga. Idol! Ahaha! Sino manunuod ng DNP? Sama nyo ko. Libreee nyo ko. HAHAHAH!
LALALA. READ! VOTE COMMENT AFTER . THANKIES ^^
***
AHHHHHH! nalilito na ako! Ano ba talagang gusto kong mangyari?! Ayokong masaktan si Vince, ayoko rin syang lumayo sakin. Gusto ko syang magkagirlfriend, pero sinabi nya lang na may babae syang natitipuhan ngayon parang gusto ko ng pumatay! Gusto ko ako lang bestfriend nya. Gusto ako lang yung nagpapasaya sakanya. Ang selfish ko kung sasabihin kong gusto ko akin lang yung bestfriend ko.
"Asan ka na ba kasi? Wag kang magmadali! Hindi pa ako ready!"
[malayo pa ko. Hindi ka pa nyan ready? Talaga?]
"o-oo! Sandali nalang"
kausap ko si Daniel sa phone. Its sunday and may date kami ngayon. Date pero anong oras na? 3:40pm! Tapos aalis kami nyan ng bahay mga 5pm. So, dinner date lang talaga kami ngayon.
Actually, bihis na talaga ako kaso kasi may hinihintay pa ako maliban kay Daniel.
[ganda]
"sino? Hoy! Asan ka ba?"
"ahh. Wala. May nakita ako, chicks. Ang ganda nya, parang ikaw baby"
binaba ko yung suklay at nakita ko sa salamin yung salubong bigla ng kilay ko. TheHell! Kelangan talaga sabihin sakin yun?! Leshe! Humanda sya sakin mamaya!
"Daniel. Dalian mo na ng masapak kita!"
"opo. Eto na po. Papasok na. Ahaha"
huh? hindi ko magets nung una sinasabi nya pero halos mapalundag ako nung makita ko sya sa salamin. Ngiting ngiti sya habang hawak yung phone nya.
"Hi Baby! Salamin lang pala yun, akala ko may kamukha ka na. Chix!"
humalik pa sya sa pisngi ko. Hindi ako kumibo, tinignan ko lang sya sa may salamin. AISH! Kainis! Nagsinungaling pa naman ako, sabi ko hindi pa ako nakaready. Psh! Bakit pa kasi nakalimutan ko isara yung pinto?! Natutulad na ko kay Daniel, hindi naglolocked.
"uy, binibiro lang kita. Alam mo namang ikaw lang maganda sakin. Hindi ko na kelangan tumingin sa iba"
bahagya syang umupo para magkalevel kami. Kinuha nya yung kamay ko at saka hinalikan.
Lub.dub.lub.dub
hindi ko na napigilang mapangiti. Loche! Alam na alam talaga nya kung pano ako papangitiin.
"aww. Kinikilig naman ako. Nagselos agad yung baby ko"
"Che! Hindi ah. Naiinis ako sayo kasi pinagtitripan mo na naman ako! Tabi nga! Hindi pa ako tapos mag-ayos"
hinatak ko yung kamay ko sakanya. Lumayo ako agad bago pa nya makita yung pagblablush ko, mahirap na! Asarin na naman nyan ako.
"Ano pa ba aayusin mo? Maganda ka na. Tara na"
niyakap nya ko mula sa likod. Aww. Pano ko ba sasabihin toh? May kasalanan ako sakanya at for sure magagalit sya. Ang tungek ko kasi! Hindi marunong humindi.
Humarap ako sakanya at niyakap sya. Sabihin ko na ba?
"Baby, mamaya na tayo umalis. Dito muna tayo"
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
