Chapter 47: Practice Game

2.4K 34 4
                                    

****

Kasama ko si Khate pumunta sa court. Medyo nalate pa nga kami dahil pinatawag pa ako ni Ma'am Cruz.


Nakita ko sya agad na naglalaro. Andami ng students, mahirap ng makasingit pa kaya naupo nalang kami sa may bench.


"hmm. Khate, wala bang pag-asa sayo si Carlo?" tanong ko Khate. I saw her blushed at medyo napayuko sa tanong ko.

Carlo is still courting her. And sa nakikita ko, seryoso naman sya kay Khate.


"a-ah.hindi naman sa ganun..kasi...a-ano"

"you still love him?"

pagpatuloy ko sa sinasabi nya. I'm talking about Vince. I know, she still has feeling for him.


"uy h-hindi na...hindi ko alam. Pero masaya na ako maging kaibigan nya. "

She smiles. Nakakatawa lang. Iilan lang yung nakakaexperience na mahal sila ng taong mahal nila. Yung tipong ang daming naghihintay sayo pero pinipili mo paring habulin yung taong tumatakbo palayo sayo.


Hayst. Parang ako lang dati. But if I stop running, siguro hindi magiging kami ni Daniel. Tama lang pala yung ginawa ko.


"at saka...hindi pa kasi ako ready.."

napatango nalang ako. Maybe she's right. Lalo na si Carlo yan, gusto lang nya sigurong makasiguro.


Bumalik yung tingin ko sa court ng marinig yung hiyawan nila. Nakita ko si Daniel na nagsumiksik dumaan sa maraming students. Maraming humihila pa sakanya at nagpapapicture.

"Baby!" pawis na pawis pa syang lumapit sakin.


"Kanina ka pa ba? Bakit andito kayo? Tara dun tayo"


hinawakan pa nya yung kamay ko para itayo ako. Pero nanatili lang akong nakaupo.

Parang gusto ko na kasing itanong sakanya yung narinig ko.


"What's wrong? Galit ka ba dahil sa kanina?"

napansin nya sigurong hindi ako kumikibo kaya bahagya syang lumuhod sa harap ko. Nakakneel yung isang tuhod nya habang hawak-hawak parin yung kamay ko.

"Baby, sorry na"

"Ano bang ginagawa mo?tumayo ka nga dyan.."


Nakakahiya. Halos lahat nakatingin samin. Baka kung anong isipin nila ngayon, hindi naman ako galit kay Daniel. 


"ayaw. Galit ka pa sakin."

sinandal pa nya yung ulo nya sa may tuhod ko. Naman uh. Hindi talaga sya nyan aalis. Pasaway!

"Hindi ako galit. Ayoko lang dun kasi kadiri, ang pawis pawis nyo kaya"
pagdadahilan ko. Hindi naman talaga ako galit, siguro nagtatampo lang dahil hindi sinasabi saking aalis sya.


"hindi yan. Itatabi kita kay Coach. Tara na?"
ngumiti sya at agad tumayo. Narinig ko naman na tinatawag na sya ng mga kateam nya.

Tumayo narin ako at hinila ko narin si Khate. Ayoko namang iwan sya dito basta-basta.

Gaya ng sabi nya, umupo kami sa tabi ni Sir Edward....kasama si Trish.


Hindi ko maiwasang masaktan kapag nagkakatinginan kami. She awkwardly smiles at umusog ng onti para makaupo kami.

Bhestie.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon