"That's not a favor... You need to do it. I don't like you for my son... So, leave him before its too late"
"o-ok Sir"
OK? Ganun nalang ba yun? Wala akong ibang masagot kundi Ok nung time na yun. Kahit gustong-gusto kong itanong kung bakit...Kahit gustong-gusto kong sabihin na hindi ko kaya.. Na mahal na mahal ko si Daniel at hindi ko kayang syang iwan ng basta lang.
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang after ako kausapin ng father nya. Hindi ko man lang napaglaban yung side ko.
"Manager, kung saan saan ka nakatingin yung players mo hindi nagkoconcentrate sa laro!"
nagulat ako sa sigaw ni Coach. Agad akong napatingin kay Daniel, mukhang nawawala nga yung mood nya sa paglalaro. Pati tuloy yung ibang kateam nya nadadamay.
Last game na nila ito, kalaban nila ulit yung dati nilang opponent. Yung captain na mayabang, na sinapak ko.
"Sanchez!"
napatingin sya sakin at agad ako sumenyas ng letter C. Nagsmile sya bigla at tumango.
"Ano ibig sabihin nun? Strategy ba yun?"
"yes, coach! Panuorin mo po gagawin nya"
PFFFT. Strategy??? Strategy yun ni Daniel. Sabi nya kapag hindi daw maganda laro nya, magsign lang daw ako ng C tutal ayoko naman daw magcheer. Kapag pinagsama kasi yung C ng lefthand and righthand makakabuo ng heart, so ayun yung pakulo nya. Akala tuloy ni coach, HAHAHAHA!
Sumigla na ulit yung laro nya, parang walang fracture yung braso nya puro pasok yung tira. Nakakaenjoy nga sila panuorin, lalo na yung tandem nila ni Carlo. Pinapadaan muna ni Daniel sa pagitan ng binti nung kalaban yung bola para ipasa kay Carlo, meron pa silang ibang ginagawang tricks na parang pinagtitripan na lang yung kalaban. Basketball Game? o Exhibition Game?
"dela Cruz! Sanchez! Ano ba yan?! Ayusin nyo laro nyo! Nasa school nila tayo mamaya hindi tayo makalabas ng buhay! Wag nyo masyadong papakitaan, be professionals! Ipakita nyong nahihirapan parin kayo sa kanila kahit hindi!"
Hindi ko alam kung seryoso si coach o sarcastic lang? Parang nang-aasar lang kasi.
"Hindi pa kami nag-iinit ni Captain, coach!"
"ok lang yan! Tara na, tara na! 4th quarter nalang natin itodo"
Inakbayan na nya si Carlo, nagpapaka "humble" na naman kasi. Hay naku! Buti wala si Khate.
Kumindat pa sakin si Daniel at nagsign ng C bago bumalik sa court.
Lub.dub.lub.dub
How could I break his heart? Makakaya ko kayang alisin yang mga ngiti nya?
Nag-smile narin ako sakanya though I feel like its killing me inside. Para akong nagtataksil sakanya. Gusto kong sabihin pero para saan? Para lalo silang mag-away ng daddy nya? Ayoko namang masira yung relationship nila ng father nya. Pero hindi ko na alam yung gagawin ko.
Tama naman kasi yung father nya, that will be the best for him. At alam kong gusto rin yun ni Daniel. Habang pinapanuod ko sya maglalaro, lalo ko lang narerealize kung gaano sya kasaya, kung gano nya kagusto maglaro. He deserves more than this school game. Hindi lang pangLocal yung laro nya, parang professional player sya na kaya nyang makisabayan sa ibang foreign na di hamak mas matangkad pa sakanya.
Scores end 128-85
Hindi ako makalapit kay Daniel sa sobrang daming sumalubong sakanya. Naupo nalang muna ako sa may bleachers
"To end this game, we may presents to you an intermission number leading by the one and only all-time-MVP of Shireo High!! Justin Daniel Sanchez with his team SHS!"
I maybe thinking kung ano na namang trip ni Daniel! Ghaaad! Tatakpan ko na ba mukha ko? Nagformation na sila, mga nakajersey pa. I know for sure, hinahanap ni Daniel kung nasan ako and when he see me, dun lang sya sumenyas para iplay yung music.
Remix ng All Day Thinking Of You saka Hands up yung music nila. OHMY!! 2PM SONGS! Seriously? Akala ko joke lang yung sinabi nilang prapraktisin nila yan. Nagawa nila for only one week? So, talagang iproprove ni Daniel na mas gwapo at mas hot sya kay Taecyeon?
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Roman pour AdolescentsThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
