Dedicated to her. Yiiee! Eto na! Sorry po nalate. :”) Thank you so much sa pagread! ^___^
Enjoy.Vote comment.follow. :">
***********
Kanina pa nakaalis si Vince, pero hanggang ngayon iniisip ko parin sya. Alam ko namang masakit din sakanya yun, pero hindi parin nya ako iniwan hangga't hindi nya ako napapatahan. Dinala pa nya ako sa may park at binili nya pa ako ng ice cream para lang tumigil ako sa pag-iyak.
"Insan! Ang lungkot mo naman dyan. New year na! Tara kanta tayo!"
napasimangot ako ng akbayan ako ni Kuya Cyd. Mas matanda sya sakin ng 1year at mas mayabang sya kesa sakin. Hindi pwedeng hindi kami magbangayan kapag nagkikita kami. Paano kasi, magkasundo sila ni Kuya Jake, pareho akong pinagtitripan. Aish!
Andito lahat ng relatives namin sa side ni mommy. Every year, we celebrate New Year's Day with them dito sa bahay. Hindi naman kalakihan yung yard namin pero sakto lang sa 3families.
"I don't like. Mabilib ka na naman sakin nyan"
"Wow! Walang kupas parin talaga tayo insan! Hahaha! Game! Pataasan ng score oh!"
"wag na. Matatalo ka na naman"
bored kong sabi sakanya. Inalis ko yung kamay nya sa balikat ko at aktong aalis na sana kaso pinigilan nya ako ulit.
Aish.! Kulit lang. Ayaw na naman ako tantanan.
"tch. Dali na. Matalo may libreng ice cream. Ano? Game? O baka natatakot ka lang?"
"psh. Fine!"
nagsmirk sya sakin at inabot sakin yung song book. Napamake face nalang ako at pumili ng kantang kakantahin nya.
Ako pipili ng sakanya tapos sya pipili ng sakin. Pinili ko yung kantang 'Pusong bato'. Pffft. Napasimangot tuloy sya. Broken hearted kasi ngayon. Mwahahaha. Ang shonget.! Naupo na ko at hinintay syang matapos. Tinawag pa talaga buong angkan namin para maging audience nya. Feel na feel lang.Sumakit yung tiyan ko kakatawa habang kumakanta siya. Para lang akong nanunuod ng comedy bar. Ang ingay at lalong lumakas yung hiyawan ng makakuha sya ng 99..Akala mo naman nanalo na sa 'American Idol'.
"Ikaw na Insan. Goodluck!"
"psh. In fairness, improving. Dati hanggang 95 ka lang ah"Pang-aasar ko. Naka-on pa yung Mic. Mwahaha!
"ang hard ni Ate Shaine!"
"wala ka pala kuya Cyd!"
Napangiwi sya ng ngiti. Nyahahaha. 4times na nya akong hinamon dito at never sya nanalo sakin. Ako pa! Si Ashley Shaine Santos toh. Ang nawawalang kapatid ni Taylor Swift. *smirk
Tumayo na ako at hinintay kong magappear yung kantang pinili nya.
"oy! Kakanta pala yung bunso namin.! Wala bang palak-palakan dyan?"
napalingon naman ako ng biglang magsalita si kuya Jake. Psh. Andito pala tong kumag na ito. Kanina pa ako nandito, ngayon lang sya nagpakita sakin.
"yun oh, bagay na bagay yung kanta. In love!"
"yiiiee! Para kay--Ay joke lang! Go inaanak!"
"Go ate Shaine!!!"
nagtaka naman ako sa mga pinagsasabi nila kaya tinignan ko yung monitor.
'You got me by Colbie Caillat
w-what the! Tinignan ko ng masama si Kuya Cyd. I told him before na kapag nagkaboyfriend na ko, ito yung kakantahin ko. Tinatanong nya kasi ako dati kung anong magandang song para sa girlfriend nya (which is, Ex na nya ngayon) and ayun, napagkwentuhan lang. Close parin naman kami nyan kahit nagbabatukan kami kapag nagkikita. Pero ang hindi ko maintindihan,bakit ito pinili nya? alam na kaya nya yung tungkol kay Daniel?
Nagawi yung tingin ko kay Kuya Jake. Kinindatan lang nya ako at nilakasan pa yung pagchicheer sakin. Aish! Kuya!!!! BAKIT BA ANG DALDAL MO?!
"oh? Insan? Bakit napasimangot ka yata? Ayaw mo na?"
"psh. Game na!"
tch. Humanda ka sakin. Perfect score toh!

BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...