Mahal ko sya.
Bakit ngayon ko lang narealized na mahal ko sya? Kaya pala parang bumibilis din yung tibok ng puso ko kapag kasama ko sya, kahit nga lang kapag ngumiti sya sakin. Parehong pareho ng nararamdaman ko kay Daniel. Madalas akong mamula sa harap nya, mga simple gestures nya na napapangiti ako. Kaya pala ganun nalang ako magtampo sakanya, ganun nalang ako masaktan kapag puro panlalait sinasabi nya sakin.. Feeling ko kasi hindi ako naging maganda sa mata nya. Ganun nalang ako masaktan kapag nakitang kong umiiyak sya, kasi ayoko syang nasasaktan..dahil mahal ko sya.
'Kung hindi ko lang talaga sya bestfriend, baka nainlove na ko sakanya'
Madalas kong sabihin yan sa sarili ko, noon pa. Pero ano bang masama kung mainlove ako sa bestfriend ko? Gusto ko si Vince.. Takot lang talaga akong aminin sa sarili ko na mahal ko na sya. Kasi baka may magbago, kasi andito na si Daniel.
Mahal ko na pala sya noon pa, kaya ganun nalang ako magselos at mainis sakanya. Nung naging sila ni Jamielle, narealize ko na hindi ko pala kayang makita syang may girlfriend. Naalibadbaran ako na parang gusto ko ako yung kasama nya! Kasi natatakot ako na baka mawala sya sakin..
"B! Umuwi ka na nga. Alis na"
"Psh. Mas maganda pa drawing ko dito. Asan yung gawa ko? Hindi mo man lang dinikit."
"nasa wallet. Alis na! Inaantok na ko. Kitakits nalang bukas"
Inuisa nya lahat ng gamit ko sa kwarto. Pati lahat ng binigay ni Daniel, daming tanong. Aish! Ayan nga! Pati yung drawing na 'dream house and family' na nakadikit sa study table ko, tinanong nya. Daig pa yung selosong boyfriend kung mag-usisa.
"matutulog ako dito"
Bigla syang humiga sa kama. Thefudge! Ano na namang nakain nito ni Vince?!
Every night andito yan, manggugulo. Simula nung mapansin nya yung pamamaga ng mata ko, pumupunta na sya dito. Every night nalang kasi umiiyak ako. Iniisip ko kung hanggang kelanba matatapos toh..Kung kakayanin ko nga bang i let go si Daniel.
"Kutos gusto mo?"
Hinihila ko na sya patayo kaso ang bigat nya, hanggang sa ako yung nahila nya. Napahiga tuloy ako sakanya. SHZ! wag mong sabihing naka-high sya ngayon? Urgh! Bisente!
"sabi ko naman sayo masamang magdrugs B, tabi nga! Alis na!"
"you're my drug. So, ibig sabihin masama ka?"
"aish! Umalis ka na nga. May pasok pa tayo bukas."
"dito nga ko matutulog. I'm making sure na hindi ka iiyak ngayon"
natigilan ako sa sinabi nya.
Vince.
Bakit ka ganito? Bakit ako nalang lagi mong inaalala? Alam ko namang nasasaktan karin tulad ko.
"Ubos na luha ko, kaya wag ka ng mag-alala"
ngumiti ako sakanya para iassure na ok na ko. Sinubukan kong lumayo sakanya pero hinigpitan lang nya lalo yakap nya sakin. Hindi nya inaalis yung titig nya sa mga mata ko, parang ayaw pangmaniwala sa sinabi ko.
"B...Hindi ako iiyak. Promise"
"tsk. Oo na! 10 minutes. Aalis na ko."
"may 10minutes ka pangnalalaman, umalis ka na ngayon. Gagabihin ka na talaga nyan"
"akala ko ba namiss mo yakap ko?"
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Roman pour AdolescentsThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...