Chapter 88: Say something

903 17 3
                                    


***

"kanina pa tayo dito pero hindi ka parin nagsasalita. Akala ko ba may sasabihin ka?"


Nakaupo lang kami sa may bench at hindi sya kumikibo kanina pa. Tinitignan ko yung oras, makakaabot pa ako.

Hindi ko naman kelangan mamili sakanila. May kelangan lang akong tapusin...May kelangan lang akong ayusin.


"Ashley... Hindi ko alam kung bakit mo ko ginaganito"

nakayuko parin sya at hindi tumitingin sakin. Gusto ko ng tapusin ito. Ayoko ng mahirapan pa sya.


"sinasanay ko lang yung sarili ko na wala ka."

"What do you mean?"

napahinga ako ng malalim. Hindi ko sya kayang titigan ng matagal habang sinasabi yung tunay na dahilan ko.


"ayokong lumayo ka pero gusto kong kunin mo yung scholarship Daniel. Sisisihin ko yung sarili ko kapag hindi mo kinuha yun"

"yun lang ba dahilan? Ayokong umalis. Ok na ba?"

simula kanina ngayon lang nya ko tinignan sa mga mata. He's on pain at hirap na hirap na sya.


"hindi mo naiintindihan Daniel. Kung ikaw nasa position ko, pipigilan mo ba ko sa pangarap ko? Pangarap mo yan, pangarap ng magulang mo, bakit tatanggihan mo? Ikaw na nga nagsabi diba na once in a life time opportunity yan. Masasaktan ako kapag tinanggihan mo ng dahil sakin."


"kapag umalis ako, pano ka? Wala narin si Vince"

Eto ba yung dahilan nya kaya hindi sya makaalis? Ako parin iniisip nya.


"kapag nag-stay ka dito ng dahil sakin, sa tingin mo ba magiging masaya ako? Hindi ako selfish para pati pangarap mo ipagkait ko pa sayo"

ayokong lumayo sya pero mas masasaktan lang ako kung araw-araw sisisihin ko yung sarili ko kung bakit hindi sya naglalaro sa States at tinutupad yung pangarap nya. Hindi ko narin kaya pang tanggapin yung sasabihin ng father nya.


"yun nga lang ba dahilan mo kaya nagkakaganito tayo?"

napayuko sya ulit at magkahawak na yung dalawang kamay nya. Parang kinakalma nya sarili nya.


Gusto kong sabihin sakanya lahat lahat... Pero ayokong magalit sya sa father nya.

"kapag ba hindi ko tinanggap makikipaghiwalay ka sakin?"

oo...kung yun lang ang paraan para mapapayag ka.

"gusto kong maging ok kayo ng daddy mo"

"Bakit? May sinabi ba sya sayo?"

sabihin mo sakanya yung totoo Ashley.

"wala.Hindi ka ba natutuwa magiging proud na sya sayo, ikaw na nagsabi na ngayon mo lang sya napasaya ng ganito"

Hindi yun ang gusto kong sabihin pero bakit yun ang lumabas sa bibig ko?

silence. Napuno na naman ng katahimikan kami, na lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Habang tumatagal yung pag-uusap namin lalo akong nasasaktan.


"Mahal kita.."

napatingin ulit ako sakanya. Alam ko namang mahal mo ko, kasi iniintindi mo parin ako kahit na nasasaktan ka na.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon