Chapter 55: You and Him

2.3K 34 3
                                        

***
"I love you Ashley"

"Oo na. Unli? Paulit-ulit? Out ko na toh ah?"

"psh. Wala ka man lang bang sasabihin?"

nakasimangot na sya. Breaktime at kausap ko si Daniel ngayon sa laptop. 4days na syang nasa Japan at miss na miss ko na talaga sya. Iba rin pala kung nakakausap mo sya ng personal. Kahit na sabihing 2times a day kaming nagvivideochat.

"ahmm. Bye? Ingat!"
natatawa ako sa sagot ko. Eh bakit ba?! Nahihiya akong sabihin. Katabi ko pa naman sila Khate saka Vince. Napapagitnaan nila ko.

"Geh. Ganyan ka naman eh. Psh."

"Kanina pa kayong dalawa.Nakakaumay na! HI KHATE!"

Bigla namang sumulpot si Carlo at kumaway. Dinaganan pa nya si Daniel. Naku talaga tong si Boy Umay!

"Aray! Alis nga! Yung kamay ko kapag nadaganan mo, pipilayan talaga kita!"

"Ay sorry tol. Out mo na kasi yan.! Magpractice na tayo"

Akala ko ba wala silang practice? Kaya nga pumayag din akong magvideochat kami eh. Pasaway. Para-paraan ni Daniel.

"psh. Daldal mo. Mauna ka na nga, susunod nalang ako."

"Bakit ba ayaw mo pa mag-out? Makakausap mo rin yan mamaya si Ash"

Ang gulo na nila. Nag-haharangan na sila sa laptop. Out ko na nga para walang away, ay! Para mamaya pala ako lang awayin. Aish! Last time, pinapagalitan nya ko kasi daw bigla akong nag-out. Bastusan daw. Napakaarte! Para yun lang naman.

"Dre, ano? Escape ko na ba toh.? Nauumay narin kami ni Khate dito"

Siraulo talaga tong si B. Gatungan daw ba si Carlo. Pinalo ko tuloy yung kamay nya. May balak pindutin yung esc!

"psh. Kanina pa kayong dalawa. Hindi pa ba kayo nagsasawa?"

"Hayaan nyo lang sila. Namimiss din naman nila isa't isa"

"Correction Khate. Sya lang nakakamiss."

tinignan naman ako ng masama ni Daniel. Ahaha! Naiinis na yan. Joke lang naman eh. Meron yata sya ngayon. Ang sungit!

"Khate! Khate! Ako ba namimiss mo?"

"Tama na yang kalokohan na yan! Ako na mag-aout B. Tabi."

Kinuha ko bigla yung laptop at nilayo kay Vince. Ia-out nya kasi talaga. Ahaha! Kawawang Carlo.

"psh. Ikaw BISENTE! Pasalamat ka wala ako dyan."

"f*ck you! Wala ka ring pag-asa kay Khate."

"Ang sama mo B! Hahaha! I-out ko na nga toh. Mamaya nalang ulit ah?"

ang mean ni Vince. Harsh masyado. Ahaha!

"Ayoko na! F.O na tayo ngayon Vince! T*e! Sayang yung pagkakaibigan natin"

"Drama mo! Nababading ka na naman kay Vince. Hahaha! Geh. Tol bye! Yung usapan pala natin?"

"oo na. Basta kutos pagtalo kayo"

"Ahaha!loko! Sige. Khate"
sumaludo naman sya kay Khate. Hindi ko alam kung saludo ba tawag dun pero parang ganun eh. Madalas kong makita sakanila yan pagnagbababye.

Tumango lang sya sakin at bahagyang ngumiti. WAAAAHH! Galit na nga sya sakin.


"wa-wait lang!"
Ibinaba ko yung laptop ko at nilapit sakin para hindi makita nila Vince yung ittype ko. Nakakahiya eh.

[I love you baby! :* <3]

Mabilis kong tinype then send yung message ko. Nagblush pa nga ko sa ginawa ko. Nakita ko pang napangiti sya nung mabasa nya yun.

"Byiiee! 

"Alululu! Umay nyong---"


Nag-out na ko bigla bago pa mag-ingay si Carlo. Napakachismoso talaga nun. Nagbabasa ng message ng iba!

"I love you lang pala, hindi nalang sabihin. Psh."

"Nabasa mo?!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ohemgee! Nabasa pa nya yun?!
Tagong-tago na nga.

"Hindi. Nasense ko lang. Nakita kong pinundot mo yung I."

"porket may i, I love you na agad?"

"Hindi naman. Kasi alam kong Him yun hindi You"
Napakunot yung noo ko. Hindi ko nagets sinabi nya at mukhang nahalata nya yung pagkaconfuse ko kaya napangiti sya. "And also based on your reaction. Lumalaki lalo mata mo. Ahaha! "

"che! Ewan sayo! Syempre nakakahiya!" inirapan ko sya sabay talikod sakanya. "Khate diba---Khate, ok ka lang ba?"

Hindi ko natuloy sasabihin ko ng makita ko si Khate na parang ang tamlay. Namumutla pa sya habang hinihimas yung noo nya.

"a-ah. O-ok lang ako"
Pinilit pa nyang ngumiti sakin at buksan yung mga mata nya. Napansin ko namang tumayo agad si Vince at pumunta sa harap ni Khate.


"Khate. Tara. Dalhin na kita sa clinic. Kaya mo bang maglakad?"

Halata mo yung pag-alala sa mukha ni Vince. Napatingin naman ako ulit kay Khate, mukhang may sakit nga sya. Hinawakan ko yung noo nya pero hindi naman sya mainit.

"o-ok l-lang ako"

"halika na. Bubuhatin kita"

Tumalikod si Vince at bahagyang umupo para makasakay sa likod nya si Khate.

"ah. H-hindi na--"

"Sakay na Khate. Wag ng matigas ulo"

Napatingin naman sakin si Khate. Nagsmile lang ako sakanya at inalalayan ko sya kay Vince.

Hindi ko talaga maintindihan,parang kakaiba yung kilos ni Vince ngayon. Bakit ganito nalang sya kung mag-alala kay Khate? Bakit nung ako may sakit hindi naman nya ko binuhat pa papuntang clinic? Though,pinahiga nya ko sa may binti nya nung time na nahihilo ako. Pero iba parin talaga! HAYST! ano ba tong iniisip ko?!

Kinuha ko na agad yung gamit ko pati yung kila Khate at hinabol sila. Ang bilis naman ni Vince. Nawala agad?!


Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon