masaya magOJT pero nakakapagod. parang gusto ko lang matulog ng matulog paguwi TT_TT
Thank you po sa pagreread. waaaaaaaaaaah! touch ako sa inyo. harthart dears! ♥
HI shasheatimang :) Thank you for reading ^^
***
GHAAAAD! Ano bang ginagawa ng dalawang toh dito?! Ginawa pa talaga akong unan kung makayakap!
Nangangalay na ko. Gusto kong mag-unat pero ipit na ipit ako sa dalawa! Kung itulak ko kaya mga toh ng magising?! AISH! Kalma lang Ashley!
Tinignan ko sila ulit. Sobrang lapit talaga nila sakin. Parang onting maling kilos ko lang, AISHHH! Ayokong isipin yun! Talaga bang tulog mga toh o pinagtitripan ako? Pero based sa paghinga nila, parang naghihilik pa kasi. URRRGH! Anong gagawin ko? Hindi ako makabangon!
"tulog parin sila? Ano ba yan mga tulog mantika. Gisingin na kaya natin?"
naririnig ko yung boses ni Carlo. Ohem! Thank goodness! Makakabangon narin ako dito.
"Psst! Psst!"
"uy gising na si Ash! Pffft! Itsura mo dyan? Ahahaha! Ang sarap nyong pictureran!"
"ssshh! Tulog parin sila Vince. Hinaan mo lang boses mo"
napagalitan pa sya ni Khate. WAAAHH! I need help! Makaalis lang talaga ako dito, may sasapakin ako. PSH! pinipigilan pa nila Carlo saka Lawrence yung tawa nila. Asar!
"Khate help! Bakit nandito mga toh?"
kahit papaano naman ayokong magising sila kaya hinihinaan ko lang boses ko. Well, been there! Mahirap istorbohin yung tulog.
"sorry Ashley. Anong oras na kasi natulog mga yan. Naabutan ko silang nagchechess sa may salas mga past 4am na yata. Hindi daw makatulog sa likot ng dalawa"
"si Lawrence kasi ang likot matulog!"
"anong ako? Yung paa mo nga nakadantay na sakin!"
nagsisisihan pa, pareho lang naman sila. Kawawa tuloy yung dalawa. Buti hindi ko tinulak kanina, mga puyat pala.
"Sabi ko nga kukuha ko nalang sila ng foam pero ayos na daw sila sa sofa. kaya naisip ko na dyan na sila sa kama matulog, dun nalang ako sa kwarto nila mommy. Pinagitnaan ka nila baka daw kasi mahulog ka"
"at hindi namin alam na gusto ka lang palang gawing unan pangyakap ng dalawa. PFFFFT! Nakakatawa talaga itsura nyo!"
Psh. Ang sarap talaga kutusan ni Carlo! Alam ko mukha akong palaman na inipit sa tinapay! Aish! Kasalanan kasi nila toh, parang bata kung matulog!
So hihintayin ko magising sila?
"gisingin na ba natin?"
"wag na. Kawawa naman kasi. Gigising rin naman toh mamaya maya. Tapos humanda kayong dalawang abnoy dyan ah?"
"hindi naman namin kasalanan yun Ash"
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
