Chapter 64: Memories in the past

2K 36 2
                                    

***

Natulala sya sa tanong ko. Ni hindi nya alam kung ano sasabihin nya ngayon.


Naramdaman kong medyo lumuwag yung hawak nya, kaya naging way yun sakin para hatakin ko kamay ko sakanya.


"Daniel, ako na muna bahala. Ako na magpapaliwanag sakanya. Just trust me"


Si Vince naman ngayon ang mahigpit ang hawak. Ano ba?! Ayaw ba talaga nila akong tigilan?!

Wala paring kareareaction si Daniel nung hatakin ako ni Vince palayo sakanya. Ewan ko ba. Parang on shock parin sya sa tanong ko. Dahil kaya totoo yung hinala ko?



"Wait nga! Bitawan mo ko! Susunod ako sayo"

Hinatak ko yung kamay ko kay Vince. Tinanaw ko si Daniel. Nakayuko lang sya habang nakaupo sa may bench.


"Are you worried?"

"ha? Hindi ah. Ano ba kelangan mo sakin? Hindi ko naman hinihingi explanation nyo"


worried? Hindi ko maintindihan sarili ko. Inungkat ko yung tungkol dun tapos mag-aalala ako sakanya ngayon.


"Diba tinatanong mo kanina kung kilala na kita before ka pa magpakilala sakin?I'll explain everything to you. Kaya wag ka ng umangal dyan B"


Ngumiti pa sakin si Vince at hinawakan ulit yung kamay ko. Ang gentle na ng pagkakahawak nya, hindi na tulad kanina.


Yung totoo, wala akong mukhang maihaharap sakanya. Nahihiya ako. Ang laki ng kasalanan ko sakanya, sa pamilya nya.


Yung batang laging nasa panaginip ko, sila Daniel at Vince yun. Lahat ng yun, totoong nangyari sa buhay ko. Hindi lang isang panaginip.


I'm part of those people na may CHD. Congenital Heart Disease. Kahapon ko lang din nalaman, kaya pala lumaki akong spoiled sa family ko. Kaya pala ganun nalang lagi ang pag-aalala nila sakin.


Habang pinapakita ni Mhie kahapon yung old pictures ko, wala akong ibang ginawa kundi umiyak. Unti-unti kong naaalala ang lahat..ang nakaraan.

Naalala ko yung mga nangyari before ako magkaroon ng repressed memories. Yun daw ang tawag sa condition ko, kung saan sa sobrang pagkatrauma, nakalimutan ko lahat ng part na may kinalaman sa incident. Unfortunately, may condition ang repressed memory na bumabalik yung alaala ng biglaan lang. Para siyang dissociation, hindi talaga nawala yung memory ko, it was just forgotten not lost. Basta may makita lang na bagay na pwedeng magpaalala sakanya.


"Hindi ka ba galit sakin?"

"Bakit? Dahil kinalimutan mo ko?"

pinaupo nya ko sa may swing tapos umupo sya dun sa may kabilang swing.


Dapat magalit sya sakin dahil ako ang dahilan kung bakit wala na si Vanessa. Kung bakit wala na yung kapatid nya...yung kakambal nya.



Ako ang dahilan kung bakit nasagasaan si Vanessa. Ako ang dahilan kung bakit sya namatay.



Nasa may playground kaming lahat. Same place kung saan ako dinadala ni Daniel. Dun sa dating pinagtuturuan ng mommy nya. Yes, si Tita Ellaine pala yung teacher namin noon. And she give up his profession ng dahil sa nangyari.


I'm different from them. Ang daming bawal kasi yung puso ko. I'm a sick little kid with fragile heart. Yan ang tukso nila sakin dati, kaya iilan lang din kaibigan ko. Si Vince, si Daniel, at si Vanessa. Wala namang ibang gustong makipaglaro sakin dahil mahina ako. Lampa. Laging burot sa takbuhan.


Pasaway ako. Gusto ko lagi akong nasusunod sa gusto ko. I hate my classmates that time. Lagi nila akong inaaway kaya nagdecide akong lumabas ng school. Malakas loob ko kaya nagawa kong lumusot dun sa may harang para makalabas ng school. Kaso hindi ko alam na nakasunod sakin si Vanessa.


She tried to stop me in doing it pero makulit talaga ako. Highway yung katabi ng school, hindi na ako nagdalawang isip. Gusto ko ng umuwi. I hate my school. I hate my classmates. I hate my life.

Alam ko yung tungkol sa sakit ko. I know, there's no other choice but a heart transplant. Pero walang mahanap na donor na pwede sa age ko. Kaya alam ko rin na anytime pwede akong mawala. Hindi na ko takot mamatay...

Tuwang tuwa pa ko ng makatawid ng maayos pero nawala lahat nun ng makita si Vanessa... Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko kung paano sya nasagasaan....


"kasalanan ko."

"It's not your fault."


Kasalanan ko! Kung sana nagpapigil ako sakanya, hindi sana sya nasagasaan. Kung sana hindi ko ginawa yun. Ako dapat ang mamatay, hindi sya.!


"I should be the one to die. I don't deserve this life! Sya dapat ang nandito. Itong puso nya, hindi karapat dapat para sakin."

"We all have missions in life. She's done with her mission, and it is to give her heart. It is your will to live longer Ashley. Wag mong sisihin ang sarili mo"

pumunta sya sa harap ko at pinunasan yung mga luha ko.

Pero kasalanan ko parin ang lahat..

They used to call me 'killer'. Almost all of my classmates, ako ang sinisisi. Lahat sila nilalayuan ako, hindi ako kinakausap,.. Even Vince and Daniel. Wala silang sinasabi pero ramdam ko na galit sila sa nangyari kay Vanessa. Sa murang edad ko, malaking trauma sakin yun.


"Hindi ko naman sinasadya yun..hindi ko alam na sumunod pala sya sakin..Hindi ko sya pinatay! Hindi ko gustong mamatay sya Vince!"

"sshhh! Tama na. Alam namin yun. Ayan ang reason kung bakit hinayaan nalang namin na mabura kami sa alaala mo. Ayaw namin na sisihin mo ang sarili mo. Wala kang kasalanan. That was an accident. Pasaway lang din kapatid ko tulad mo
."

niyakap nya ko at hinahaplos yung buhok ko. Ramdam na ramdam ko yung pagkacare nya sakin.


"si tita? Kaya ba ganun sya sakin? Hindi ba sya galit?"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon