Chapter 31: So close

3.3K 56 14
                                    

Dedicated to her. super thanks for reading! :">>

Read nyo po story ko. NEVERMIND yung title. haha. 16chapters lang yun siguro. kasi short lang yun. Naeelivs lang ako sa kanta ni Taylor. :")))) http://www.wattpad.com/story/1876273-nevermind

PLAY nyo lang yung song ---> Someday CLTCL :")

*************

Naaalala ko pa nung una kami nagkakilala. Enrollment day nun at kasabay ko si Trisha para magenroll. Sa totoo lang hindi dapat ako sa Shireoyo High mag-aaral nun,nakaplano na sa school kung saan magcocollege si kuya Jake ako mag-aaral para may magbabantay parin sakin. Pero dahil dun mag-aaral si Trisha pinilit ko sila mhie na dun nalang din ako maghighschool....na sana pala hindi ko ginawa. Hindi ako nagpahatid nun dahil pakiramdam ko malaki na ako. Pero dahil bata pa ako at aanga-anga, hindi ako marunong tumawid kaya naman si Trish ang umaalalay sa akin.

Nakakatuwang isipin na dati kapatid ang turingan namin at pinoprotektahan nya ako...pero ngayon, nagbago na ang lahat.

May binili si Trish nun ng marinig ko yung tunog ng cornetto. Walang sabi sabing bigla akong tumawid papunta dun. Oo na! Ako na ang adik sa icecream na pati buhay ko kamuntik ng pinahamak. Nabangga ako ng motor. Takot na takot ako dahil alam kong ako yung may kasalanan. Lalo na nung bumaba yung lalaki para pagalitan ako.

***

"Fck! Magpapakamatay ka ba miss?!"

"Sorry kuya.sorry!"

***

Umiiyak na ako. Sorry lang ako ng sorry habang pinipilit kong tumayo sa pagkakatumba pero masakit yung naging impact ng pagtama sa akin kaya hindi ako makatayo. Pero laking gulat ko ng binuhat nya ako at isinakay sa motor nya.

Nagalit pa ako sakanya nung una dahil akala ko kung saan nya ako dadalhin pero sa hospital lang pala. Nagkasprain ang paa ko dahil sa biglang pagkatumba. Tinext ko si Trish at alalang-alala naman syang pumunta sa hospital.

***

"Sa Shireoyo Science High School ka rin? Wow! Baka magkaclassmates pa tayo"

"psh...sana hindi"

***

Late na kaming nakapagenrol. Limited students lang ang kelangan sa isang section kaya hindi kami nakaabot sa section1. Napunta tuloy kaming tatlo sa section 2. Since block sections, magkakaclassmate na kami mula 1styr until now. Ako, si Trisha at si Vince.

***

"Bestfriendddddd!!!!! Sabay tayo maglunch ulit! Sama ka sa amin ni bestie"

"kelangan sumisigaw?! Tss...katabi lang naman kita"

"Trip ko lang bakit ba! Aish! Sungit mo talaga bestfriend!"

"wag mo nga akong tinatawag na bestfriend, baduy!"

"eh bestfriend kita anong gusto mong itawag ko sayo bestie? Hahahaha"

"manahimik ka nga!"

"ee bestfriend kita kaya dapat bestfriend tawag ko sayo. Dapat nga bestfriend na rin tawag mo sa akin eh,daya nito!"

"ayoko.masyadong common at mahaba"

"choosy ka pa! Pwes, ikaw mag-isip!"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon