Chapter 87: Be your everything

783 15 3
                                        

For those na hindi mabasa po yung last three chapters na nakaprivate.
hindi ko kasi alam pano palitan privacy. tagal ko na hindi nagwawattpad :D

-Dreamer


***

'I love you too, B'

B? B nga ba nasabi ko? Hindi ko maidilat mga mata ko. Nasabi ko nga ba yun kay Daniel?


'baby, I love you.. Wag mo kong iiwan Daniel.. Please. Hindi ko na kaya."


Sumasakit yung ulo ko habang inaalala yung nangyari kagabi. Kung anu-ano lumalabas sa bibig. Hindi naman ako ganun kalasing, aware pa ko sa paligid ko. Pero parang lahat nalang lumalabas sa bibig ko, yun yung mismong nararamdaman ko.


Si Daniel.


Narinig nya kaya? Baby dapat sasabihin ko, hindi B! Kelangan ko mag-explain sakanya. Pero kung gagawin ko yun, parang magiging defensive ako tignan! Magpatay malisya nalang kaya ako?

Tinignan ko yung oras at 1:10pm na! Nakakahiya! Sobrang late na pala, kaya pala wala narin akong kasama sa kwarto.


Dali-dali na kong naligo at lumabas para puntahan si Daniel kahit hindi ko pa alam kung pano ko sya haharapin after ng sinabi ko kagabi.


"Good Morning Ashley! Magbreakfast ka muna"

psh. Mang-aasar pa si Carlo. Umupo nalang ako at hindi kumikibo. Wala yung iba, sila Lawrence saka Vince lang naabutan ko dito sa kubo. Gusto kong itanong kung nasan si Daniel pero ewan ko ba, kinakabahan ako.


Hindi ko iniintindi pagkwekwento nila Lawrence, tungkol sa nangyari kagabi. Palinga-linga lang ako habang kumakain baka sakaling andyan lang sya sa tabi at hindi ko lang napansin.


"nagulat nga ko ang lakas din pala uminom ni Daniel. Hindi naman umiinom yun dati"

na caught agad yung atensyon ko ng marinig ko name nya. Uminom sya? Pero hindi naman sya amoy alak nung binuhat nya ko. Ibig bang sabihin, bumalik sya ulit kila Carlo nung makatulog na ko?


Uminom kaya sya dahil sakin? Dahil sa maling sinabi ko?


Ang tanga mo nga naman Ashley! Malamang masasaktan sya. Magagalit sya dahil napagkamalan mo syang si Vince! Pero alam ko talaga na sya yung kasama ko kagabi,. Panong nangyari na B ang nasabi ko, imbis na baby?

"andun sya sa may duyan, puntahan mo na. Kanina pa tahimik yun"

napatingin ako kay Vince. Bahagya lang syang ngumiti at after nun umiwas na agad sya ng tingin sakin.


"Baka ikaw lang makakausap nun. Kung may problema kayo Ash, ayusin nyo na."

bigla silang nagseryoso. Napayuko nalang rin ako kasi alam ko yung pagkakamali ko. Bilang kaibigan namin si Carlo, ayaw nyang may nasasaktan samin.

"Ashley, wag mo na syang pahirapan. Pareho lang kayong nasasaktan."


Hindi ako makakibo, tama sila. Hirap na hirap na nga ako. Hindi ko rin naman gustong makitang nasasaktan sya, pero nahihirapan akong makipaghiwalay sakanya.


"B, wag mo munang isipin yung iba. Sundin mo kung anong nararamdaman mo"

Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ni Vince na wag ko munang isipin yung iba. Pero susundin ko sya kasi alam nya kung anong tama at kung anong dapat.

Gaya ng sabi nila, pinuntahan ko na si Daniel. Medyo malayo at tago na. Parang sadyang ginawa talaga para sa mga gustong mapag-isa.


Hindi ko alam kung tulog ba sya kasi nakatakip ng cap yung mukha nya.

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon