Updated again. HOHO!
*****
"Tingin mo, anong pinag-uusapan nila?"
"Hmm. Kung may cookies pa kaya si manager Ashley--aww! Joke lang!"
Psh! Ang sarap talaga batukan nito ni Carlo. Kainis! Hindi ako mapakali sa inuupuan ko. Nakatingin lang ako kay Daniel habang magkausap sila ni Coach. URGH! Baka mapahamak ako sa pinasok ko.
Kasalanan toh ni Daniel! Bakit ba kasi pinipilit nila akong maging team manager nila?! Anong alam ko dun?
"Wag kang mag-alala. Feeling ko inaasar lang sya ni Coach. Alam mo na.., noon pa lang nung naghahanap palang ng team manager si coach, iniinsist na ni Daniel na ikaw nalang"
napatingin ako kay Carlo habang sarap na sarap syang kainin yung cookies na gawa ko. Parang kanina lang takot na takot kainin, ngayon ayaw magbigay sa ibang kateam nya.
"bakit hindi ako? Bakit si Trish?"
"Kasi takot yung iba sayo tapos diba binasted mo ko kaya ayaw rin kita maging team manager ka. At saka nagvolunteer agad si Trish, kaya sya na. May cookies ka pa ba dyan Ash?"
"wala na! Takaw mo!"
Nakakaoverwhelm naman kahit papaano kasi crush talaga ako nung mokong na yun. Kyaaah! Feels!!! Dapat kasi ako nalang! Mga kumag na toh! Humadlang pa kay Daniel.
Bumalik ulit si Carlo sa pagprapractice. Sabi ko sa kanila, sumablay ng tatlo may kutos sakin. Mukhang effective naman kasi wala pa kong nakukutos sakanila. PFFFT!
"Santos!"
"Coach?"
dug.dug.dug.dug
Kinabahan ako bigla. Ngayon palang ako kakausapin ni Coach. Baka disappointed sya. Eh anong malay ko ba kasi sa team manager?! Sabi ni Daniel igaguide naman daw nya ko, no need na para pag-aralan ko pa yung opponent team nila.
"lagot ka manager!"
Ghaaad! Pagtatadyakan ko kaya mga toh?! Nang-aasar pa eh. Si Daniel may kasalanan nito! Trip na trip ako! AISH!. Sacrifice kaya toh! Ang aga ko kaya pumasok ngayon kasi may practice sila.
"loko! 50 push-ups!"
"p-pero Captain--"
"Dagdag pa? Manager, dadagdagan ko pa ba?"
Psh! Ang bossy nito sa mga teammates at talagang idadamay na naman nya ko?
"Tama na yan Sanchez. Miss Santos gusto ko lang itanong kung ok lang ba talaga sayo na maging team manager nila? Baka kasi napilit ka na naman ni Sanchez, tulad ng pagsagot mo sakanya"
"laaah! Coach! Mahal ako nyan nuh, hindi ko sya pinilit sagutin ako"
nang-aakbay na naman sya ko, kaya nakakatikim ng kurot ko eh!
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
