TIGNAN NYO YUNG GIF SA RIGHT SIDE--->
UMIIYAK SI DANIEL! KASI KAYO EE. TT____TT INAAWAY NYO DAW SIYA.
MWAHAHAHA !:D
Waaah. POV ni Daniel po ito. luhhhhh.. baka nd nyo na basahin. :"( ahahaha! inaaway nyo kasi siya ee. kaya siya naman. pero last pov narin nya toh. Puro na po kay Ashley. nahihirapan ako kapag lalaki. kasi yung mga bad words ee. (diba mga lalaki mahilig magmura kapag naiinis??) hirap itype :P saka nagmumukha yata silang bading? moahahahaha. nd bagay.! XP
DEY-NYEL po bigkas sa name nya .
Taecyeon as JUSTINE DANIEL SANCHEZ :">
wala po palang dedic. nd ko lam kung kanino ko iddedicate kapag scene nila Daniel.. kasi naman ii. ayaw nyo sakanya. puro Vince kayo. AHAHA! XD
okiedokie. just read. vote and comment after :">>
P.S. kapag po nakaItalicized w/o quotation mark ibig sabihin po nangyari sa past. Parang kinukwento lang nya. Ha?? gets nyo ba? Lalalalala. Baka kasi malito kayong basahin. Ayun lang po J
I’ll never go ---patugtugin nyo hanggang matapos para maLSS din kayo. AHHAHAAH! Yan lang yung kantang pinatutugtog ko habang ginagawa ko toh. Mwahahaha. LSS ee. xP
DANIEL's POV
Ilang oras na ang nakakalipas, andito parin ako pinagmamasdan syang matulog.
Pa'no ko nga ba nagawang saktan ang babaeng nasa harap ko? Ang gusto ko lang maging masaya sya tulad dati. Pero bakit puro luha nalang palagi ang pinapakita ng mga mata nya?
Halos hindi ko na makayanan yung nangyari kanina. Sobrang sakit makitang nasasaktan sya ng dahil sa akin, tapos wala pa akong magawa kundi tumayo lang at pakinggan sya.
Gusto nya akong kalimutan at mahalin si Vince... Yun ang sabi nya. Nasasaktan ako. Ano nga bang laban ko sa bestfriend nya? Masaya sya kapag kasama ako, pero alam ko namang iba parin yung mga ngiti nya kapag kasama nya si Vince.
Ano nga ba yung nangyari? Akala ko ok na ang lahat. Masaya akong nakikita syang masaya.. Yung mga ngiti nya na laging nagsasabi sakin na dapat ko lang syang alagaan.
Mahal ko si Ashley..noon pa lang at hindi magbabago yun. Matagal kong hinintay itong pagkakataon na maiparamdam ko sakanya kung gaano ko sya kamahal, pero mukhang masasayang lang. Bakit hindi ko man lang ba sya pinakinggan? Hindi ko man lang sya hinayaang magpaliwanag....
Masyado akong nadala sa sitwasyon..Akala ko sapat na yung nakita ko para malamang nagkamali siya. Kaibigan ko si Trish at ayoko syang masaktan.. Pero nagkamali ako..bakit hindi ko naisip na baka nasasaktan din si Ashley!?! SHT! ang tnga ko! Nagpapaapekto ako sa iba! Alam kong palaban at walang inuurungan si Ashley, kahit pa sino. Marami ang takot sakanya maski mga lalaki. Kahit na alam ko yun hindi naman nagbago pagtingin ko sakanya kahit ganun sya, kahit ano pang sabihin nila.,kahit nga hampasin pa nya ako, mas lalo ko syang minahal ng makilala sya. Pero hindi ko na alam kung ano nasa isip ko ng makita ko sila ni Trish.. Bakit nya nagagawang saktan yung bestfriend nya? Paano nya nagagawa yun? Ganun na ba siya kamanhid para balewalain pati sariling kaibigan nya?
Hindi pa natatapos yung araw na yun, namimiss ko na sya agad. Parang gusto ko ng magsorry at balewalain nalang yung nakita ko.
Pero naisip ko rin na baka masanay syang hindi pahalagahan ang mga tao sa paligid nya. Baka gawin nya rin yun sa akin...baka sa susunod ganun nalang din kadali sakanya ang iwanan ako.
Nasaktan ako ng makita ko yung mga mata nyang malungkot. Gusto ko na nga syang yakapin pero nilagpasan ko lang sya. Hinihiniling ko nung panahon na yun na tawagin nya ako at babalik ako kaagad sakanya. Ako na mismo hihingi ng tawad...
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Novela JuvenilThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
