Vegas Skies -->, play it until last. Cover ni Migz ko. inangkin ko talaga. HAHAHA!
read read. Vote.vote. comment.comment. follow.folow dears :)
sabi ko magdededicate ako before matapos, eh 2chapters nalang. huhu! sabay sabay nalang kayo next chapter. tinandaan ko pa naman. :(((
******
Aalis sya? Kelan pa? Bakit hindi man lang nya sinabi? Lahat sila alam na, ako nalang hindi. Pati si Daniel nilihim sakin. Anong klaseng mga kaibigan sila!!
Hinagis ko yung bato. Pumunta ako. dito malapit sa dalampasigan after maconfirm na aalis nga sya. Sana nga joke time nalang yun. Ok lang masayang pag-eemote ko ngayon wag lang syang umalis.
"Kanina pa kita hinahanap, andito ka lang pala"
napalingon ako pero agad ko ring binawi yung tingin ko. Naiinis ako sakanya! Nakakatampo sya!
Umupo sya sa tabi ko kaya umusog lang ako at niyakap yung mga tuhod ko. Nakayuko lang ako kasi ayokong makita nya kong umiiyak.
"Kanina ka pa ba dito? Hindi ka na takot mag-isa B?"
"kelangan ko ng sanayin, iiwan nyo rin naman ako diba?"
una si Trish tapos si Daniel malapit na rin. Maybe in time si Khate din, pero ayoko pangmangyari yun. Bakit lahat nalang sila umaalis? Bakit lahat nalang sila kelangang iwan ako?
"Drama B. U.S lang yun, para namang hindi nyo na ko makikita."
"kahit na. Bakit andito ka? Dun ka na sa Despedida party mo"
ang sama-sama talaga ng loob ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit kelangang hindi ipaalam sakin. Bestfriend nya ko, dapat ba ako talaga huling makakaalam?
"Aalis na nga lang, inaaway mo pa ako. Psh"
"naiinis ako sayo B! Kahit kelan talaga ang dami mong sinisikreto sakin. Ang saya saya ko pa naman, wala akong kamalay-malay na despedida pala ng bestfriend ko yung pinupuntahan ko."
and that's it! Umiiyak na naman ako. Once na masabi ko talaga yung nararamdaman ko, tuloy tuloy narin pati luha ko.
Ang sakit na wala man lang akong ka-idea na 3days from now lilipad na papuntang State si Vince para dun mag-aral. Nagreready ako sa pag-alis ni Daniel, eh mauuna pa palang umalis yung bestfriend ko. Kaya naman pala biglang nagyaya ng ganito mama nya.
"Sabay lang kami ni Daniel sinabihan about dun sa scholarship. Yun yung time na nawala ka sa paningin ko, nalasing ka tuloy nung Christmas Ball"
May tampuhan pa yata kami ni Vince nun? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko lang galit ako kay Daniel saka kay Trish.
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
