basahin nyo yung note ko sa last. hoho! sagot sagot. :">
***
Ang sama talaga ng tingin ko kay Vince simula kanina. Mag-uusap pa kami! He needs to explain everything to me! Bakit bigla nalang naging sila ni Jamielle? Diba nung Prom Night lang umiyak pa sya sakin---AISH! Naalala ko na! So, ibig sabihin si Jamielle talaga yung tinutukoy nya nung gabing yun? Bakit ang bilis? Bakit bigla-bigla sila na? Ok lang kung malalaman kong nanliligaw sya ulit. The fuuuudge! BAKIT SILA NA AGAD AGAD?!
"Gusto ko pa naman panuorin yung DNP ngayon. Kasi naman si kuya, magyayaya ng date, pa-gabi na"
"Bakit? Ikaw ba niyaya ko?"
ayan na naman sila. Nasa restaurant kami at kumakain, ano pa ba? Baka pwedeng magrides kami sa loob ng resto? PSH! Ako naman ang high blood ngayon! Kawawa na nga sakin yung meat dahil sa paghiwa ko. KAINIS!!! Naiinis talaga ako sakanya.
Hindi na ko magtataka kung bakit pa-chix yung boyfriend ni Jamielle kanina. Si Vince yun eh! Napaka-gentleman! Ang saraaaap katayin!
Actually, wala rin syang kamalay-malay na kasama kami. So, set-up talaga ito ni Jamielle. Si Daniel naman mukhang ok naman na sakanya si Vince para sa kapatid nya. Hindi nagsungit eh!. Ewan ko dun! Hindi ko malaman yung nasa isip nya.
"sungit mo kuya! Ano palang nangyari dyan sa lips mo? Wag mong sabihing nakipag-away ka?! Susumbong kita kay daddy!"
nabilaukan naman ako agad. Shemmmms! Bottoms up! Napatingin pa nga sila sakin. Eeee! Anong gagawin ko? Pasaway yang si Daniel! Kasalanan nya yan! Ayaw nyang tumigil, yan napala nya. Nagka-cut yung lip nya. Kinagat ko kasi, as in parang tulad dati kay.....
Nagawi yung tingin ko kay Vince. Kahit hindi sya tumingin sakin kapansin-pansin yung pagsmirk nya.
Malamang sa malamang alam nya dahil nangyari rin yun sakanya. SHIZ! First kiss ko sya! At hindi pa alam ni Daniel yung about dun.
Nakakakonsensya! URGH! Bakit ba kasi namin nagawa yun?!
"tignan mo nga maigi kung dahil sa suntok. Psh! Porket may sugat, pwede namang nakagat ko lang sa sobrang inis sayo?"
"Nagtatanong lang naman. Why so sungit? Ate Ashley kung ako sayo, ay naku! Mag-isip isip ka. You must break that ugly-human-slash-alien-like-creature!"
natatawa ako sakanila. well, parang kami lang ni Kuya Jake. Mga kuya kasi BULLY! Sarap ipatapon sa Jupiter!
Kinurot ko sya sa tagiliran dahilan para mapausog sya. Papatulan pa kasi nya. Ayaw magpatalo.
"Ang sungit mo nga Daniel. Singkit ka na nga lalo pangsumisingkit. May makikita ka pa ba nyan?"
"psh. Nakakainis kasi. Pahamak. Sumbong ng sumbong"
"Oy ah! Pasalamat ka nga sinabi ko yung awesome-imported-scholarship mo kay daddy. Itatago pa kasi, eh tuwang-tuwa nga si Daddy gusto ka na ngang palayasin papuntang U.S kahapon---"
napatingin ako kay Jamielle tapos sakanya. Parang kumunot lalo noo nya habang nakatingin kay jamielle. Bigla siyang nanahimik. Anong scholarship yun?
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Teen FictionThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...
