Chapter 82: Again

1.4K 28 1
                                    

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?"

I smiled. nagtanguan kami ni Lawrence. I think, magkakasundo kami ngayon.



"kung ano man yang iniisip nyo, wag nyo ng ituloy. May girlfriend ako, and to be specific, kapatid ni Daniel"


nanlumo naman ako agad sa sinabi nya. Ibinaba ko na yung hawak kong spoon and fork. Handa na naman akong batukan sya.


"B.. Ngayon lang please. Pagbigyan mo na ko. Hindi naman malalaman ni Jamielle"

"Wag kang makulit. Gusto mo bang pati pagkakaibigan namin ni Daniel masira?"

napasimangot ako. Ayoko namang mangyari yun pero eto lang talaga yung effective na plano. Tutal sya lagi yung pinagseselosan ni Daniel.


"at saka sabi ko naman sayo ayokong maging rebound. Kung gagawin mo yun, totohanin mo na."

Hindi sya tumitingin sakin. Nakatingin lang sya sa pagkain nya habang sinasabi yun.


Bakit kaya parang nasasaktan ako ngayon? Dahil ba sa hindi ko kaya? O dahil nararamdaman ko na ako parin mahal nya?


"hay naku bisente! Magsusuggest hindi naman pala gagawin!"

"sinasabi ko lang na kung gusto ko kayo talagang tulungan ginawa ko na."

"daya mo B!"

hinampas ko muna sya bago bumalik sa kinakain ko. Siguro nga hindi talaga pwede yun. Ang selfish ko sakanya kung gagawin ko yun. Dalawang tao pa masasaktan ko.


"push na natin Plan C, Ash. Wag na sanang pumalpak."


Plan C "Make him a cheater"


HAYST. nagsasawa na ko sa pinaggagawa namin. Siguro wala rin namang mangyayari talaga sa plano namin kung napipilitan lang ako. Alam kong ayoko pero ginagawa ko parin.


"Girls! Girls! Look at her. She's so alone. Kawawa naman"

"baka naman kasi walang friends?"

"talaga? Wala syang friends? Diba sya dati si Miss Popularity 2013?"

"huy! Wag kayong ganyan may friendship naman sya, si Kuyang Janitor! Diba nga pinakuha pa nya yung questionnaire and answer keys sa economics para makaperfect"

"Really? Nakakahiya naman. Honor student pa naman sya."

"Baka honor sa kadayaan. HAHAHAHA!"


Napatingin ako sa kabilang table. Grupo nila Miztie. Oh, I miss those girls. Pero naririndi ako sa ingay nila. Pati yung ibang students tuloy dito sa canteen napapatingin na..not with their group but to the girl sitting alone in the next table.



Trisha.



Nakayuko lang sya habang kumakain. Pinagtitinginan at pinagtatawanan na sya pero na nanatili parin sya dun.


Nung lumabas yung issue na nandaya sya, ayan! Halos araw-araw nalang yata inaasar sya, pero hindi sya nag-sasalita o hindi man lang nya ipaglaban yung sarili nya. She's still weak na hindi kayang ipagtanggol yung sarili nya.


After all lahat naman kasalanan nya. Kasalanan nya kung bakit unti-unting nawawala yung meron sakanya. Kasalanan nya kung bakit ngayon wala man lang sya makampihan.



"balita ko pa nga may relasyon sila ni Kuyang Janitor"

"really? Ang pathetic naman nya. Sa sobrang heartbroken nya siguro kay Daniel."

"slut. Eew. Hindi kasi sya pinatulan ni Daniel. HAHAHA!"


Nakakarindi! Daniel, Daniel! Bakit kelangan pa nilang idamay boyfriend ko? Tapos na nga yun, gumagawa pa sila ng issue.


"pre, pigilan mo ko baka makasakit ako ng babae"

"geh lang. Hindi kita pipigilan"

"Vince naman! Tulungan mo ko. Tayong dalawa."


napatingin ako kila Lawrence. Naiinis din pala sila tulad ko. Well, syempre may pinagsamahan parin din sila ni Trish at iba talaga sila compared sa ibang students. Hindi sila nagbabago kahit ano pang ipakalat na chismis ng iba. Nung prom nga nakita kong niyaya ni Vince sumayaw si Trish. Wala naman sakin yun, wala na nga rin sakin yung mga ginawa nyang kasalanan.



Tumayo na ko. Nakakarindi na talaga! Tinanong pa ko nila Lawrence kung saan pupunta. Pero hindi ko sya sinagot. Dala dala ko yung tray at lumapit sa table nila Miztie.


"Hi. Can I join here?"

I smiled at parang na-amaze naman sila sa tanong ko.


"sure. Why not?"

Silently In Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon