***
["Bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi mo ba kasama si Vince?"]
"hmm. Uuwi narin ako mamaya. Hindi.May practice kasi sila ng soccer,ayaw nga ako turuan nun ni B sa math."
["Send ko sayo sagot ko, pag-aralan mo nalang"]
"Ay! Wag na! Nakakahiya!"
Nahulog pa yung ballpen ko. Ano ba toh si Daniel, iniispoiled ako. CHEATING YUN! ayoko! Ayoko!
Via Email kasi yung lectures, quizzes and assignments nila, para hindi sila nalalate sa lessons. Pero mas gusto kong magpaturo kesa kopyahin lang yun. Mamaya tanungin pa ko ni ma'am. Hindi ko masagot.
Nagkukuyakoy pa ako habang kausap sa phone si Daniel. Nagvavandal kasi ako dito sa bench. Ngayon lang naman, saka maliit lang. Names namin ni Daniel. Hihi!
Pinipilit parin nya ko, hindi naman daw cheating yun. Pag-aaralan ko din naman daw kasi.
["isesend ko ah? Para macheck mo nalang kung anong mali mo."
"bahala ka nga!"
Yabang! Mali ko talaga? Eh di sya na tama lahat! Eeee! I-copy ko na nga lang yun. Mapilit sya eh! Sumbong ko sya ma'am! Bini-B.I ako. Moahaha! Stress free for today!
"sus. Kunwari pang ayaw, gusto pala pinipilit pa."
"Che! H-hindi kaya! Para lang wag mo na kong kulitin."
["ahaha! I-chat mo ko kapag meron kang hindi magets"]
"ahh..sige--"
[uy dre tara na! Tara na! Practice na tayo! High Blood si coach]
hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Narinig kong tinatawag na sya ng mga kateamates nya.
["ah. Baby bye! Maya nalang. I love you"]
"ok. Sige. Bye! Love you too"
inend call na nya. Chineck ko kung ilang minutes kami magkausap.
Hayst. 5minutes.
Hanggang 5minutes lang talaga yung pag-uusap namin. Last time na matagal ko syang nakausap nung tuesday pa. Yung may secret kami ni Carlo and then, wala na. Friday na, but he still busy. Puro phone calls lang at hindi nagvivideochat kasi inaantok na daw sya. At gustong-gusto ko ng sabihin na miss na miss na miss ko na talaga sya ngayon.Tumayo na ko at kinuha yung mga gamit ko. Ayoko pa talagang umuwi. Parang may gagawin ako na hindi ko malaman. AISH! Insane!
***
"She's getting well. I think, by monday she can go to school. She misses you too. Lagi ka nyang kinikwento sakin"
"Talaga po tita? Buti naman po. Sayang hindi ko po makwekwentuhan si Khate ngayon"
Kausap ko ngayon mommy ni Khate. Yep! Instead na umuwi, I have decided na bisitihan nalang si Khate. Buti na nga lang talaga, papalabas palang ng bahay nila yung mother ni Khate, muntik ng magkasalisi. Papunta narin daw sya kasi kay Khate.
Khate is now in the hospital. Nakakaconfined sya nung araw din na dinala namin sya sa clinic. Hindi ko alam na ganun pala kalala sakit ni Khate para iconfined pa. Pero mukhang ok naman na sya ngayon. Masyado lang daw talagang takot si tita. Only child din kasi.
"ah. Sige po tita. Thank you po. Pakisabi nalang po kay Khate na magpagaling sya."
"sige. Iha. Ingat ka. Thank you rin sa pagbisita"
Hindi ko man lang nakausap si Khate. Tulog pa kasi syang nung dumating kami hanggang ngayon. Gawa daw ng anaesthesia. Hindi ko naman alam kung bakit kelangan pa nya nun.
Papalabas na sana ako ng pinto kaso napaatras ako ulit. Pinikit-pikit ko pa yung mga mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako. Pero hindi talaga eh! Andito talaga sya sa harap ko. Naka-tshirt and jersey shorts pa sya.
"oh? Napopogian ka na naman sakin B?"
ginulo pa nya yung buhok ko bago pumasok. Urgh!Anong ginagawa nya dito? Bakit alam nyang andito sa hospital si Khate? Halata pa na dumiretso sya galing sa practice.
"hello po tita. Kumusta na po si Khate?"
"ok lang Iho. Salamat naman at napadalaw ka ulit."
Ulit?! So, ibig sabihin alam na nyang nasa hospital si Khate at hindi man lang sakin sinabi?!
Napabalik ako at hinila ko si Vince.
"uhmm. Excuse me lang po tita. Kakausapin ko lang po si Vince sa labas"
"ah.ok. Sige sige."
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Novela JuvenilThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...