OMY! sino nakakita kay Daniel? (Taecyeon) shettttttt! isang jeep lang pero hindi pa ako nakapunta. TT___TT nakita daw nila. sa manila hotel. super lapit lang. </3 awww! :((((
neweiz! haba ng update. bored ako ee.saka naiinis ako sa prof namin. ayokong magreview! ahahah. ayan tuloy! read nyo na.. so much daldal, XD
Dedicated to her. may natutunan akong bagong word sakanya. AHAHA! natuwa ako e. lels :">
****
"OPO! Andito na nga PO ako! Asan ka na PO ba kasi?"
palinga-linga ako dito. Kausap ko sa phone si Daniel. Ewan ko ba dyan, kanina pinagmamadali nya ako dahil may play pa kami ulit mamaya. Pinagbreak lang muna kasi kami ngayon. Pero ngayong andito na ako, wala naman sya. Hayst.
"Hahaha. Ok boss. Tingin ka sa may court" tumingin naman ako sa may court, gaya ng sabi nya. Nakatayo sya dun sa may gitna.
"Alam mo bang mula dito, lagi kitang pinagmamasdan. Masaya ako kapag nakikita kita, kahit sa malayo lang"
ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinasabi nya yun. Wala nga akong magawa kundi ang tumayo lang at pakinggan sya.
"Inspirasyon nga kita kapag naglalaro ako. Sa totoo lang hindi naman talaga ako ganun kagaling, ginaganahan lang talaga ako kapag nakikita kita mula dyan. Ikaw narin siguro talaga ang dahilan kaya MVP ako palagi."
napangiti ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na pinagmamasdan din nya pala ako...Akala ko kasi ako lang. akala ko ako lang nakakaramdam nun.
"minsan natatakpan ka ng mga nanunuod. Naiinis ako kapag ganun. Kulang nalang hawiin ko sila para makita lang kita. Psh.Bakit naman kasi dyan ka umuupo?"
Hindi parin ako kumikibo. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko. Alangan namang sabihin kong nahihiya ako sakanya. Kung sana sinabi nya noon pa, eh di sana dun ako sa bleachers ng mga players nakaupo. Ahaha.
Naglakad na sya papapunta sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko na naman yung puso kong malapit na yatang sumabog sa sobrang kilig.
"Gusto kitang lapitan ng ganito....pero natotorpe talaga ako. Lalo na kapag kasama mo si Vince."
napahawak sya sa may likod ng ulo nya. Para syang nahihiya na natotorpe. Iba sa Daniel na nakilala ko. Nakatayo lang sya dun, ilang hakbang ang layo mula sa akin.
Inend na nya yung call at ngumiti sa akin. Ang gwapo nga ng smile nya eh. Nakakainlove ng sobra!
"Hindi ko akalaing mapapalapit din pala ako sayo...akala ko hanggang tingin nalang ako sayo"Natawa ako sa sinabi nya. Pareho lang pala kami. I've never thought that we will be closer like this... I've never thought na mamahalin nya rin ako.. To think na sa dami ng nangyari.. Sa bawat nakaw na tingin ko, yung tipong nakakahiya na yung pinagagawa kong sundan sya at tanaw-tanawin sa malayo, dito kami pupunta. Sa bawat pagseselos ko, sa bawat pag-iyak ko, sa lahat ng katangahan ko, aakalain ko bang mahal nya rin pala ako.
"Do you still remember nung naglaro tayo ng 10questions?"
I smiled, remembering the first time na makausap ko sya ng matagal.....and the first time he asked me the question I didn't expect to hear from him.
"Step yes or no tayo, Ash"
matagal bago magprocess yung sinabi nya. Napakunot noo pa talaga ako. Seriously? Anong trip nya at nag-iisip bata na naman sya. Ahahaha.
BINABASA MO ANG
Silently In Love (Completed)
Fiksi RemajaThis story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inlove na sya kay Justine Daniel Sanchez--heartthrob ng campus.Pero hindi nya masabi ang nararamdaman nya dahil sa promise nila ng bestfriend n...