Chapter1- The Beginning of Everything

942 39 18
                                    

Jer. 29:11 For I know the plans I have for you," declares the LORD, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.





Cha's POV

"ANO!!?? Si Vince ang makakasama ko sa bahay?"

Waaaahh.

Bakit siya pa?

Of all people? Napatigil ako bigla as I realized that there are only few people in the circle. Ako, si Kuya at... ako ulit? Hayss.

Yeah. I'm hopeless.

"Yep, wag kang mag-alala. Pansamantala lang naman siya makakasama mo. And it's been five years noong huli mo siyang nkita. Don't you miss him? ^__^" sabi ni Kuya Micky na hindi ko alam kung inaasar ba ako o concern tlaga.

"Oo, Kuya. Grabe, namiss ko ang pangbubully at pang-aaway niya!"

Kasama namin sa subdivision sina Vince at kapag nakita mo ang bahay nila, isa lang ang maiisip mo. MAYAMAN sila. Wala siyang kapatid kaya naman naging super close talaga sila ni Kuya simula mula noong nagkakilala sila. Kulang na lang sa kanila na tumira si Kuya.

Five years ago, 12 years old pa lang ako samantalang 16 na sina Kuya at Vince. Medyo may pagka-boyish at bully na din dati dahil sa kapatid ko. Panlalaking kilos at galaw, halos na-adapt ko dahil lagi kaming magkalaro noong mga bata pa lang kami.

At noong mga panahon na 'yun, nagdesisyon na pumunta si Vince sa Manila para mag-college at isinama na rin si Kuya. Ang pagkakaiba lang, nagdo-dorm at umuuwi si Kuya tuwing Saturday kapag minsan.

Dito lang talaga sa subdivision namin sobrang nagtagal tumira si Vince na kahit anong pilit ng mga magulang niyang magtransfer siya sa ibang lugar na malapit sa work nila ay hindi talaga magpapilit. Nag-eenjoy daw siyang asarin ako, pagdadahilan niya sakin. Hay nako, reasons!

Pero dahil sa mag-cocollege na sila, niyaya niya na lang si Kuya Micky na mag-aral sila sa parehas na school at 'yun na din ang hudyat ng huli naming pagkikita ni Vince.

Mula noon, naging mapayapa na ang buhay ko, tahimik at malaya sa pang-aasar ng lokong yun.

At ngayon, gusto ni kuyang makita ko ulit siya? At hindi lang basta makita, kundi makasama sa IISANG BAHAY!!?


Bakit ba mainit ang dugo ko sa lalaking 'yun? Paano naman kasi mga bata palang kami, magkakaaway na kami, ako at siya. May puno at may dulo lahat ng bagay, maging ang wagas na pang-aasar niya sakin.

Flashback

Sa playground

Mga maliliit na bata pa kami..

Nasa may swing ako habang nakain ng ice cream. Iisa lang ang swing noon dahil under repair ang isa. At may isang batang lalaki na lumapit sakin. Naka-coat pa siya at jeans at mukhang mayaman. Akala ko ay makikipagkilala siya pero mali pala ako.

"Oy bata, umalis ka dyan. Uupo ako!" sabi ng bata. Hindi ko siya kilala at malamang na bagong lipat sila dahil ganito siya umasta.


"Ayoko nga, ako naman nauna dito e. :P" sagot ko at tinuloy ko ang pagkain ng ice cream. Hindi ko na siya pinansin pa.


"Kanina ka pa dyan e!" galit na sabi nung bata. Sabay hila sa kamay ko na may hawak ng ice cream. Hanggang sa natapon ang ice cream ko sa lupa.


"Waaaahhhh!!!! UNG ICE CREAM KOO!!"

Nagsimula na akong umiyak.

"Belat, ikaw kasi e. Ayaw agad aalis sa swing!" sabi pa ng batang lalaki.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon