Chapter15 - Behind his smile

458 31 14
                                    

1 John 1:9: If we confess our sins, He is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.

Cha's POV

"Drei ,ikaw sa ticket at ako sa popcorn at drinks. Mas mataas ako sayo sa Calculus! :P "- sabi ko kay Andrei. Pauwi na sana kami kaya lang naisip naming manuod muna ng It takes a man and a woman, yung movie nina Sarah at John Lloyd. Nakakatawa kasi ang trailer e. Medyo maaga pa naman ang labas namin ngayon at for sure maluwag na ang mga sinehan, 3rd week na kasi.

"Waaah. Sige na nga. Gusto ko Fruitas ang drinks ha. XD"- Andrei

"Huwag na, mag-tubig ka na lang."- pambibiro ko. XD

"Please, please, please."- Andrei with the puppy eyes. TSK! Ang kyut! >_<

"Tsk.'Wag mo akong dinadaan sa ganyan ha."

"Dali na. Love mo naman ako diba?" Ngiting sabi ni Andrei sabay hawak ng kamay ko na may pasway-sway pa.

Aish. Naglambing pa.

Nasa labas na kami ng school at maglalakad na lang kami papuntang mall. Walking distance lang naman din at para tipid hanggang sa may natanaw akong grupo ng mga babaeng nagtitilian sa may tabi ng kalsada at pati ang ibang mga napapadaan ay napapatingin.

"Anong meron??" Andrei na napansin na din ang tinitignan ko, ang sentro ng ingay. >_<

Habang papalapit kami napansin ko na isang lalaki pala ang pinagkakaguluhan.

Isang lalaki na may hawak na cellphone at nakashades at nang papalapit kami medyo pamilyar ang phone. Hmm. Simple lang ang suot niyo na jeans with matching leather jacket pero errr! Lakas ng dating! Nakasandal siya sa isang hot red Lamborghini. I don't know kung anong tawag pero ang ganda ha. Hindi siya samin nakaharap at side view lang ang kita.

"Woah. Lamborghini Murcielago LP-640. Cool!" - Andrei na halos mapa-jawdrop na nakatitig sa kotse.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad nang bigla siyang tumingin sa kinaroroonan namin ni Andrei.

O_O

"Cha!"- tawag ng lalaki sabay tanggal ng shades at narinig ang tiliin at bulungan ng mga girls, both highschool and college students.

"Si Kuya Vince?"- Andrei

"Ata."- ako. Halos lahat ng mga babae ay nakatingin sa akin kaya naman napatigil na din kami ni Andrei sa kinatatayuan namin.

"Do you know this girl?"- girl1 na tanong sa katabi nitong babae pa.

"Gf niya ba 'to? Swerte naman."- girl2

"Ano ba yan, mas maganda pa ako e."- girl3

Bahagyang napataas ang kilay ko sa narinig. Ngunit nawala ang atensyon ko sa bulungan ng mga babae sa gilid ng makita ko na lumapit samin si Vince. *gulp

The way he walks is indescribably hot and cool. (Pinaghalo lang?Lol)

"Why aren't you answering my calls?"- Vince

"Tumatawag ka ba? "- Ako habang kinukuha ang cellphone sa bag. At nakita ko nga ang phone ko na may 5 missed calls and 6 text messages.

"Sorry, hehe."- pahabol ko. Sa last subject kasi namin bawal ang phone at kapag may nag-ring na phone, minus 5 sa quiz ang buong klase. At na-violate ko 'yun 2nd day ng class, nakalimutan kong i-silent. Nahiya naman ako sa mga kaklase ko kaya naman pati vibrate ng phone ko in-off ko na.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon