Psalms 18:1
I love you, Lord, my strength.
Good day everyone! This chapter is the longest chapter dahil dalawang chapters to na pinagsama ko na para naman makabawi ako sa sobrang tagal kong UD at sa iba pa.
This is for all of you, silent reader man o hindi. Sana mag-enjoy kayo at wag mahihiyang magvote o magcomment. Libre yun. XD
Happy reading!
Vince's POV
I knew that telling her what I felt about her and that it really changed is a big and risky step to our relationship.
Akala ko matutuwa siya.
Akala ko sasabihin niya na gusto niya rin ako.
Oo, inaamin ko na umasa din ako kahit papaano pero iba ang naging reaksyon niya kumpara sa ini-expect ko..
Nagalit siya instead na matuwa.
Yes, I'm hurt.
I never knew it would hurt this bad.
Hindi agad ako nakatulog pamula ng gabing 'yun. In fact, pagkadating namin ng bahay dumiretso agad siya sa kwarto at hindi na lumabas.
The next morning, I acted like last night didn't happen. I prepared our breakfast. Ipinagtimpla ko siya ng gatas. Kinatok ko din siya kasi 6 am na pero hindi pa rin siya lumabas. Makalipas ang isang oras, nasa kwarto pa rin siya at iniintay ko siya sa lamesa. Hindi pa nagagalaw ang pagkain at lumamig na din ang gatas niya at kape ko.
Hindi na lang ako makaimik sa sakit na naramdaman ko ng mga oras na 'yun.
Pumasok na ako sa trabaho at dahil mas maaga ang uwi niya kumapra sakin, hindi ko ulit siya nakitang lumabas at pumasok ng bahay. Hindi ko rin alam kung kumain na ba siya o hindi pa dahil hindi pa rin nagalaw ang niluto ko kaninang umaga.
Dumating ang hapunan, nagluto pa rin ako at kinatok siya sa kwarto pero hindi pa rin siya lumabas. Nag-intay ulit ako sa kainan kung sasabay siyang kumain pero makalipas ang isang oras.. na nging dalawang oras na umabot ng tatlong oras.. wala pa rin. Bakante pa rin ang pwesto niya.
Sa pagtira ko kasama ni Cha, para bang hindi na ako sanay na walang kasabay sa pagkain. Kulang kapag wala siya. At sa puntong to, gusto ko na lang matulog para hindi ramdam ang sakit.
Sa sumunod na araw, ganoon ulit ang ginawa ko. Umaasa akong lalabas din siya at hindi ko na hinangad na kausapin niya ako basta kumain lang siya. Makalipas ng thirty minutes matapos ko siyang katukin ay lumabas na din siya ng kwarto. Akala ko sasabayan na niya akong kumain. Pero mali na naman ako. Nakasuot na siya ng uniform at dire-diretso lang siyang naglakad sa harapan ko. Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Tumayo ako para habulin siya pero nakalayo siya agad.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...