Chapter16 - Best Enemies

465 32 24
                                    

John 1:1: In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

Cha's POV

Sa bahay

"Cha, remember wear a formal dress. Sunduin na lang kita dito mga 7:00pm. Okay? I better get going..." Vince wearing a coat matching his dark red polo and a tie.

Biglang tumunog ang phone ni Vince at sinagot ito. "I am on my way. Wait ano? I told you, I don't like it..." Mukhang galit si Vince. Bigla din kasing dumami ang mga pinapagawa sa kanya these days, tapos na kasi ang panahon ng pag-supervise niya. May ilang araw na hindi siya dito natutulog kundi sa office. Wala naman 'yun sakin kasi kaya ko naman mag-isa pero ewan ko ba parang nahahawa na si Vince sa pagka-paranoid ni kuya Mickey, maya't maya tumatawag lalo na pag gabi. >_< Imbes na matulog ako, ayun kausap ko siya. Pero aaminin ko medyo sweet kasi nag-aalala siya sakin yet masyado niya akong tinatrato na bata. TSK. Teka bakit ko ba naisama sa vocabulary ko ang word na 'sweet'?! Simula ngayon offlimits na ang word na 'yun!

"By the way, Andrei, I am watching you. Later Cha, I'll call you." Vince warns Andrei, one of Vince's dilemmas. He doesn't trust Andrei kahit anong paliwanag ko pero ang usapang 'yun ay between me and him only.

"Ge." Hinarap ko siya at tiningnan hanggang makaalis ng bahay na hawak pa din ang phone. Panay tawag ang gusto. Hay nako.  >_> Bhala siya, pera naman niya.

"Cha, ano 'yung sinasabi ni kuya Vince na wear a dress daw?" Andrei na katabi ko sa sofa with his laptop. We're doing our project at maya-maya ay mag-aaral naman or nood ng movie. It's our routine every Saturday.

"Do you have a date?"-Bianca. Yeah, everything went so fast these days. Bianca, my unexpected guest or 'friend' I think. Ever since na nangyari 'yung one time na pumunta kami ni Andrei sa bahay nila Bianca para tapusin na ang project sa visual basic, everything changes between me and her.

Flashback

We're both pissed off, me and Andrei, pero calm pa din si Andrei at ako itong hyper na hyper na sugudin si Bianca sa bahay nila. Paano ba naman kasi, we divided our tasks para mas madali at ang part na lang ni Bianca ang kulang. We can't do meet-ups due to irregular schedules of Bianca to our schedule. Nag-aadvance na kasi kami ni Andrei ng ilang subjects.

Kaya eto kami ngayon, nasa harapan ng higanteng gate nila Bianca. Mga 5:30 pm na kami nakarating.

'Ding dong' agad naman kaming pinagbuksan ng gate ng maid nila with a uniform.

"Where's Bianca?" tanong kong matino sa maid.

"Ah, mga kaibigan po ba kayo ni Ms.Bianca? Pasok po kayo."

Pinapasok kami ng gate at pinasunod kami sa kanya. Jaw-dropping ang bahay nila. Pero I am not in the mood para hangaan ang kanilang awesome façade na nakikita ko sa di kalayuan at ang mga naggagandahang mga sports car sa may parking lot na nadaanan namin with the capacity of 10 cars or more I think, behind it, we could see their unique landscape designs all over the place. Okay, hindi ko siya hinahangaan, inilarawan ko lang. =_=

Bigla namang dumukot sa bulsa ng kung ano ang maid nila habang naglalakad kami patungo sa bahay/mansion ng pamilya Santiago at nagulat kami parehas ni Andrei, was that Iphone 5 yung hawak nung maid?! At nagdial siya para tumawag, "Ms. Bianca may bisita po kayo, sila daw po sina.." humarap samin ang maid asking our names. "Andrei and Charlotte" sagot ni Andrei. "Andrei and Charlotte daw po Ms. Bianca. San ko po sila dadalhin? Ah... okay po. Sige po." At ibinibaba na ng maid ang Iphone 5 niya.

+_+

Daig pa ako e.

"This way mam/sir." Pumasok na kami sa bahay nila sa wakas. *gulp. Bakit lahat kumikinang? Yung sahig ang kintab, high class lahat! Bahay ba talaga ito o panaginip lang? Waaah, Grabe naman.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon