Chapter10 - Happy new year too!

467 31 6
                                    

"It is God who arms me with strength and makes my way perfect. He makes my feet like the feet of a deer; he enables me to stand on the heights. He trains my hands for battle; my arms can bend a bow of bronze. You give me your shield of victory, and your right hand sustains me; you stoop down to make me great. You broaden the path beneath me, so that my ankles do not turn." Psalm 18:32-36

AUTHOR: Mabuhay ang mga nakaaabot sa chapter na ito!! Salamat! Hehe. Comment kayo and vote para mas masaya. XD

10!

Oo, madaming nangyaring hindi inaasahan..

9!

Ang pag-alis ni kuya Micky

8!

Ang pagdating ni Vince

7!

Parang adik lang no? >_<

6!

May umaalis,

5!

May dumadating...

4!

Ganyan talaga ang buhay

3!

Pero kahit ganoon alam ko na

2!

Lahat ng mga nangyayari may dahilan...

1!

HAPPY NEW YEAR!!!- Sigaw namin parehas ni Vince.

Andito kasi kami ngayon sa rooftop ng hotel nila at kasalukuyang nanunuod ng fireworks. Dito na rin kami nagbagong taon. Medyo napasarap kasi ang pag-rerelax namin ni Vince dito. Paano ba naman, matapos ng gabing 'yun, (refer to chapter9 ^__^) e pinilit ako ni Vince na samahan siya sa kung saan-saan siguro ay para mag- unwind na din. Alam niyo na,BH! XD

Ang dami naming ginawa at pinuntahan, nagsnorkeling kami, nagzip line at ngayon ko lang nalaman na mayroon pala 'nun dito. Nagshopping din kami dahil sale at grabe lang! Ang dami niyang biniling damit, daig ako. Tsss.

Naglibot din kami sa mga islands dito, gamit lang naman ang yacht niya. -_- Siya na!

Simula noon, naging mas open sakin si Vince na parang mas close na kami ngayon. Gets? Ewan ko ba pero parang nakaka-adapt na ako sa ugali ni Vince at maging siya rin.

Pero may isang pangyayari na kahit kailan hindi ko makakalimutan. >_>

Flashback

Nagyaya si Vince na kumain sa restaurant na kinainan namin dati ni Shawn. Late lunch. Pagpasok namin, napansin ni Vince ang bulletin na may larawan naming tatlo nina Shawn at ng kambal. >_< nakalimutan kong may ganito nga pala ditto.

"Cha, ikaw ba 'tong nasa picture?" tanong niya habang nakaturo sa picture ko.

"Tara na, umupo na tayo." Hindi ko pinansin ang tanong niya.

"Ikaw 'to di ba? At sino naman ang kasama mo?"

"Nakilala ko lang sa beach, si Shawn." Hindi pa rin kami umaalis sa bulletin.

"Hmm, looks familiar. I think I've seen him before." Parang napapaisip naman si Vince.

"Aissh, tama na yan. Umorder muna tayo." At hinila ko na siya palayo sa may mga pictures at hindi naman siya pumalag pa.

"E bakit kayo nagka-picture doon?"

"Napili kasi kaming Customers of the week at kapalit ng picture ay isang bowl na puno ng ice cream."

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon