Chapter12 - One crazy day (PartII)

436 31 10
                                    

John 3:16 For God so loved the world that He gave His one and only Son, that whoever believes in Him shall not perish but have eternal life.

Cha's POV

Inside Cha's bedroom (katatapos lang maghugas ng pinggan)

"Uy Cha, nakagawa ka na ba ng project plan?" pagtatanong ni Andrei sabay upo sa rolling chair.

"Hindi pa e pero may nasimulan na ako. Ikaw ba?" Umupo naman ako sa may kama.

"Hmm, patapos na. Hehe"

"E di ikaw na ang masipag! Bleh." Ang sipag talaga nito. Sa pagkakaalam ko finals pa namin 'yun e.

"Gusto mo tulungan kita?"

"Tatanggi pa ba ako? Wait, ano bago mong mga movies???"

"Madami! Life of Pi, Pitch Perfect, at..."

"Pitch perfect na lang!*O*" Binuksan na ni Andrei ang 19" flat screen ko sa kwarto at siya na din ang nag-operate 'nun. May hard drive naman siya kaya ang saya lang mag-movie marathon. Adik lang kasi kami! XD

Hindi naman obvious na we love movies no?

Tok! Tok!

Si Vince lang pala. "Bakit?"- masungit kong sagot.

"Aah, 'yung " Vince na parang may sinisilip na ewan.

"What?"- Cha >_>

Ano bang problema ni Vince? Kanina pa kasi siya parang wala sa sarili o lipad ang isip.

"Hmmm. Uhmm."- Vince.

Napansin ko na nagstart na 'yung movie.

"Aissh, bumalik ka na lang pag naisip mo na". Asar e.

"Ano daw 'yun?"- Andrei

"Ah, ewan ko sa kanya." Sabay bukas ng laptop ko at umupo na kami sa carpet at sumandal sa may gilid ng higaan. AYOS!!

"Cha, gaano daw katagal na titira sa inyo si Vince?"

"Sabi ni kuya kapag 18 na daw ako pwede na akong mag-isa."

After nun, nagfocus na kami sa pag-gawa ng mga dapat gawin at the same time panunuod. Galing lang nila kumanta! Haha, Cute ni Fat Amy!!

Tok! Tok!

Argh! Abala si Vince! Malapit ng matapos ang movie e!

"Bakit??" inis na sabi ko kay Vince.

"Hmm. Ahh. Eee. Nakita mo ba ang susi ng kotse ko?"- Vince na may pagkamot pa ng ulo.

"Hindi e. Nawawala ba?"

"Oo e, actually malapit na nga akong malate sa meeting. Hindi ko talaga alam kung saan ko nailagay."

"So, anong gagawin ko?"

"Tulungan mo akong maghanap"- Vince sabay hawak sa braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Aissh.

"Wala ba sa kwarto mo?"

"Wala e. Na-check ko na ng ilang beses."

"Aissh, abala ka talaga!"

"E bakit ba naman kasi kayo nasa kwarto.."- bulong ni Vince. Mahina pero rinig ko. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit niya 'yun nasabi.

"Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko hanapin na lang natin."

Matapos ng ilang minutong paghahanap ng pesteng susi niya, naaasar na ako.

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon