Thank you for the long wait.
Thank you for reading and adding this story on your RL.
Thank you for voting and following me.
Truly, readers are one of the lifeblood of my stories.
One more thing, CPA na po ako!!! I passed the board exam this OCTOBER 2015!! So cheers!!!
The reason I didn't update my stories is because nag-aaral po ako. Nagreview school po ako. I need to prioritize and manage my time to study. As in, so thank you kay God dahil nakapasa ako. To God be the glory tlaga!!
Comment and vote kayo!! hahaha.
Four years ago
Nasa may dining table sina Vince at Mickey. Malapit na ang finals at napagusapan nilang mag-aral kahit konti para pumasa. Nagkalat ang mga notebooks at libro nilang dalawa sa lamesa. Nagsusulat si Vince at hawak naman ni Mickey ang calculator habang nakikinig ng music. Parehas walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Maya-maya ay tumayo si Mickey ng upuan at nilapitan si Vince.
"Anong inaaaral mo?" tanong ni Mickey. Nagulat si Vince dahil hindi niya naramdaman ang paglapit ni Mickey. Agad niyang tinakluban ng isang libro ang notebook na kanina niya pa sinusulatan.
"Phy-physics. Nagawa lang ako ng quick notes." Sambit niya. Napatawa naman si Mickey.
"Weh. Kodigo yan 'no. Haha." Panloloko ni Mickey. Pansin niya rin kasi na ayaw ipakita ni Vince ang mga notes na sinusulat niya.
"Ikaw, Mickey. Puro ka kalokohan. Baka marinig ni Cha, maniwala 'yun sayo. Tska notes 'to. Notes!" sabi ni Vince na nakangiti at bahagyang binuklat ang ilan sa mga notes niya.
Napatawa si Mickey at sa ilang saglit ay narinig nila ang pagbubukas ng pintuan ni Cha. Lumabas ito na may hawak na isang libro. Naglakad ito papunta kina Vince.
"Speaking of the little witch." Mahinang buka ng bibig ni Vince. Narinig ito ni Cha at nagsalita.
"Ano, ako na naman ba ang pinaguusapan niyo? Akala ko ba nag-aaral kayo?" mataray niyang sagot at tumingin ng masama kay Vince.
"Nag-aaral naman kami ah. Napagusapan lang namin kung gaano ka kataray." Sagot ni Vince.
"Hay nako! Bahala ka nga dyan Vince! Humanap ka ng kausap mo." Tugon ni Cha at inilagay ang earphones sa tenga at nagdirediretsong lumabas ng dining room. Naiwan namang tumatawa sina Vince at Mickey.
"Teka, san ka pupunta?" pahabol na tanong ni Mickey.
"Sa park!" sigaw ni Cha na tuluyan ng lumabas ng bahay.
"Ang sarap talaga asarin ng kapatid mo Mickey." Nangingiting sambit ni Vince.
"Halata ngang enjoy na enjoy kang asarin ang kapatid ko eh. Kung hindi nga lang kita kilala, iisipin kong may gusto ka sa kanya." Tugon ni Mickey habang bumabalik sa kinauupuan niya knina.
"Ako? Magkagusto? Hahaha. Pwede ba, eh mas malakas pa atang manipa at manuntok ang kapatid mo sa akin. Parang hindi babae." Pabirong tugon ni Vince.
"May pinagmanahan eh. Tska tamang-tama 'yun para walang manligaw sa kanya lalo na kapag gumagraduate na tayo." Sagot ni Mickey.
"Huwag kang mag-alala dahil mukhang wala ng magtatangka sa kapatid mo. Takot na lang sayo 'ng mga yun. Hehe." - sambit ni Vince habang kinukuha ang isa pang Physics book.
"Hindi lang sakin sila natatakot. Sayo din kaya. Mas takot pa nga ata sila sayo eh." Anas ni Mickey habang nagtitingin ng next album na pakikinggan. Bahagyang napangiti si Vince at bago pa makasagot ay narining nilang may pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...