Matthew 26:28This is my blood of the covenant, which is poured out for many for the forgiveness of sins.
Cha's POV
Nakahiga ngayon ako sa kama hanggang sa may narinig akong mahinang katok.
“Charlotte..aalis na ako. May nakahandang almusal sa mesa. Huwag kang magpapalipas ulit ng gutom.”sambit ni Vince at ilan pang segundo bago ko marinig ang kanyang mga yabag paalis.
Hindi ako lumalabas ng kwarto hangga’t maari kapag nandyan si Vince.
Ayoko pa siyang makita.
At ayoko din siyang makausap.
Nagtaklob ako ng kumot at pinipilit ang sarili na kalimutan ang lahat.
Ang lahat-lahat!
Flashback
“Mia Charlotte.. I’ve fallen in love with you..” sambit ni Vince.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
At hindi ako makapaniwalang sinabi niya ‘yun.
Gusto niya ako?
Hindi pwede ‘to.
Hindi pwedeng mangyari ‘to.
Tinanggal ko ang pagkakahawak sakin ni Vince at lumayo sa kanya.
“Ano bang sinsasabi mo Vince?” mahina pero may impit ng galit na tugon ko sa kanya.
Nagulat si Vince sa reaksyon ko at humakbang palapit sakin.
Pumikit ako saglit dahil hindi ko alam ang sasabihin o ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...