Chapter23 - It won't be the same again

241 20 9
                                    

I will praise the Lord all my life; I will sing praise to my God as long as I live.

-Psalms 146:2

Author's Note

Pasesnya na po at natagalan ang UD. Salamat sa follow,votes at comments!! WAAHH. Keep voting and commenting guys, WAG MAHIHIYA!! :DD

Uhmm, hope you enjoy this chapter. :))))

No one's POV

Five years ago few weeks before the end of summer

Nakatambay si Cha sa village nila. Nakaupo at nagbabasa ng libro habang may nakapasak na earphones sa tenga. Bagamat may earphones na nakasaksak sa ipod niya ay wala itong music dahil ang atensyon niya ay sa pagbabasa. After a while may grupo ng mga lalaking lumapit sa kanya para makipagkilala pero walang panahon si Cha para makipagkwentuhan sa mga di kakilala.

“Tol, ganda no. Miss, anong pangalan mo?”- sabi ng isang lalaki.

“….” Hindi nagsalita si Cha kahit rinig niya ang tanong nito.  Nang hindi magsalita ay umupo sa tabi ang lalaki. The guy was teased by his friends at lalo naman itong nag-insist na kausapin si Cha.

“I’m not from here kaya siguro hindi mo ako kakilala. I’m P-a” Makikipagkamay pa sana ito nang biglang tumayo si Cha sa kinauupuan na patuloy sa pagbabasa at lumakad palayo na parang wala lang sila.

“Patrick wala ka pala e. HAHA.” Pang-aasar ng mga kaibigan. “Tsk. Miss, hindi mo ba ako naririnig?” tanong nito kay Cha at hinawakan ang balikat para humarap ito sa kanila.

“Don’t touch me.” Tugon ni Cha at tinanggal ang earphones sa tenga.

“Miss, ang taray mo naman, ganda mo pa naman. Gusto ko lang naman makipagkilala e.” sabi ng lalaki at binitawan si Cha.

“Gusto mo.. pero ayaw ko kaya wala na tayong dapat pag-usapan.”tugon niya at tumalikod at muling ibinalik ang earphones. Napawi ang ngiti ng mga lalaki at kabarkada nito, halatang hindi makapaniwala sa narinig at inasta ni Cha.

“Miss, may boyfriend ka na ba kaya ka ganyan?”

“Boyfriend? Tss. Don’t you think I’m too young for that.”

My Only Exception (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon